NITONG nakaraang linggo, humina ang bentahan ng kar-neng baboy sa merkado. Ang dahilan, pangamba ng mga mamimili na makabili sila ng hot meat o botya.
Nakikisimpatiya man ang BITAG sa industriya ng magba-baboy, hindi masisisi si Juan Dela Cruz na mawalan sila ng tiwala at katiyakan kung ligtas ang putaheng ilalagay sa kanilang hapag-kainan.
Sa sunod-sunod na balita hinggil sa tone-toneladang pagkulimbat ng mga otoridad sa mga botya sa mga pangunahing palengke, maging ang mga mambabatas ay nabahala.
Sa BITAG Live ay naging panauhin ko si Rep. Nicanor Briones ng Agricultural Sector Alliance Philippines (AGAP party list).
Isang batas ang isinususog ng AGAP Party List hinggil sa isyu ng laganap na kalakalan ng botya sa palengke.
Target ng panukalang batas na palakasin ang parusa, pahigpitin ang panghuhuli at palakihin ang penalty para sa mga nasa likod ng bentahan ng botya.
Sa kasalukuyang batas na sinusunod sa National Meat Inspection Services (NMIS) code, P1,000 pataas at confiscation ng mga karne sa mahuhuling nagbo-botya.
Ayon kay Rep. Briones, layunin nilang isama sa mapaparusahan ‘yung source o pinanggalingan, trader o yung nagbibiyahe at retailer o mga mismong nagtitinda.
Anim hanggang 12-taong pagkakakulong , multang P50,000 hanggang P200,000 at confiscation ng mga karne at mismong sasakyang ginamit sa pagdedeliver ng double dead ang magiging bagong parusa.
Kung iisipin, maganda ang batas na ito. Taong 2009 pa lamang sa kolum na ito rin namin ipinanawagan na higpitan at lagyan ng pangil ang batas laban sa mga nasa likod ng double dead meat.
Maging ang pagpataw ng parusang mahabang pagkakakulong at pagmumulta ng P50,000 pataas, nabanggit ng BITAG. Inaasahan naming maipapasa ito sa lalong madaling panahon.
Ganunpaman, awtomatik na para sa mga nagmamay-ari ng farm, malaki man o yung mga maliliit na tinatawag na backyard, kapag may namamatay na baboy dahil sa sakit ay dalawa ang maaaring gawin.
Una ay ibinabaon sa lupa o ikalawa, ay sinusunog ito. Dahil ‘yung mga namatay na baboy ay hindi na dapat ibinebenta dahil sa pa-nganib na idudulot nito sa kalusugan ng tao.
Para naman sa Department of Agriculture katulong ang Bureau of Animal and Industry at NMIS, atasan ang kanilang mga kawani provincial at municipal na magsagawa ng regular na inspeksiyon sa mga farm.
Sa ganitong paraan, namomonitor ang mortality rate at nakikita ang rason ng pagkamatay ng mga hayop. Sa pagkawala ng datos ng mga hayop na namamatay sa bawat farm, nakakalusot ang mga tiwaling negos-yante sa pagbebenta ng botya.
Babala ng BITAG, ber months na. Ito ang kainitan ng paglalabasan ng mga double dead na karne.
Hangga’t hindi naipapasa ang batas ng AGAP party list maging ang di pagkilos ng mga otoridad sa isyung ito, patuloy at mamama-yagpag ang kalakalan ng botya.