“Dr. Elicaño, nalaman ko po sa pagbabasa ng The Philippine STAR na ikaw ay isang magaling na cancer specialist. Hanga po ako sa mga sinusulat mo sa Pilipino Star NGAYON ukol sa iba’t ibang sakit lalo pa ang tungkol sa cancer.
Sumulat po ako para itanong ang tungkol sa cancer sa dugo at cancer sa thyroid. Gusto ko pong malaman ang mga sintomas ng mga sakit na ito.
Maraming salamat po sa iyo at sana po ay marami pang makabuluhang artikulo ang isulat mo sa paborito kong PSN. –Francisco Largado, Marinduque
Salamat sa pagbabasa mo sa aking column.
Ang sintomas ng cancer sa dugo o ang tinatawag na chronic lymphatic leukemia ay lagnat, pagpapawis, hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang, pabalik-balik na infections, pagiging asymptomatic, pagkakaroon ng sintomas ng anemia at dumaranas ng painless lymphadepathy.
Ginagamot ang cancer sa pamamagitan ng oral chemotheraphy kung saan ginagamit ang chlorambucil at cyclophosphamide. Maaaring itigil ang paggamit ng mga nabanggit na gamot pagkaraan ng ilang buwan kapag ang white blood count ay tumaas ganoon din naman ang iba pang local symptoms. Maari ring gumamit ng steroid kapag ang disease ay refractory.
Sintomas naman ng thyroid cancer ang pagkakaroon ng bukol sa leeg. Ang bukol ay nasa isang bahagi ng leeg. Gumagalaw ito kapag lumulunok o kumikilos ang dila. Hindi ito masakit.
Palatandaan din ang pagkakaroon ng paos na boses at ang kahirapan sa paglunok o ang tinatawag na dysphagia. Nangyayari ang dysphagia kapag masyado nang malaki ang tumor. Makararanas ng pagtatae lalo na kung ang pasyente ay may tinatawag na medullary carcinoma.
Nangyayari ito dahil sa secretion ng prostaglandins sa tumor.