^

PSN Opinyon

Juvenile justice backfire

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

ANG pagpasa ng Juvenile Justice and Welfare Act, RA 9344 noong 2006 ay tinanghal na landmark sa kasaysayan ng Philippine Criminal Justice System. Ang batas ay tugon sa malalang sitwasyon kung saan ang mga menor-de-edad mula 10 hanggang 15 anyos ay tinrato na ring adult sa kanilang paglitis at pagkakulong. Madalas malusutan noon ang Bureau of Corrections ng pagkakulong ng mga menor de edad sa selda ng mga karaniwang kriminal. Ang estado ay may obligasyong pangalagaan ang kapakanan ng mga sektor na walang sapat na lakas na ipagtanggol ang sarili. Kaya kumilos itong proteksyunan ang mga minors.

Sa dating probisyon ng ating Kodigo Penal, itinuturing na hindi nagkasala ang mga mendor de edad hanggang 9 na taong gulang. Sa ilalim ng Juvenile Justice Law itinaas ito sa edad 15. Sa madaling salita ay kinikilala ng estado na walang sapat na dunong o talino ang ganitong mga edad upang malaman na ang ginagawa niya’y labag sa batas. Kaya kahit ito’y nagkasala ay hindi ito paparusahan. Sa halip ay kailangan nilang sumailalim sa tinakda ng batas na “intervention” program na patakbo ng kani-kanilang bayan.

Dahil dito’y lumakas ang loob ng sindikato na gumamit ng mga tinedyer upang gawin ang kanilang masamang plano. Ito na lang nakalipas na linggo ay puro laman ng balita ang mga batang hamog na nambibiktima ng mga motorista sa lansangan. At dahil hindi rin agad naipatupad sa mga LGU ang mandandong “intervention programs”, dahil wala ring itinatatag na hiwalay na juvenile detention facilities at maging ang pondo sa training ng mga pulis sa paghawak ng juvenile justice cases ay matagal nang nakabinbin, pinalalaya na lang ang mga nahuhuli na walang anumang parusa o leksyong naibahagi. Nagbackfire ang deliver us from evil.

Panukala ni Sen. Chiz ang pansamantalang ibalik ang cut-

off age sa 9 and below, bagay na hindi matanggap ng orihinal na nag-endorso sa batas, si Sen. Kiko. Ang kanya’y ipatupad ng mahigpit ang batas lalo na ang mandandong intervention programs kada LGU.

Sang-ayon tayo sa posisyon ni Sen. Kiko. Hindi layon ng batas ang tuluyang pawalang sala ang malinaw na nagkasala. Inilalayo lang sila sa parusang pangmatanda. Sa pagsulong ng interes ng mga menor de edad, hindi dapat kalimutan na obligasyon pa rin ng Estado na panagutin ang nagkamali at seryosohin ang kanilang rehabilitasyon. Kompromiso ng ating mambabatas ang intervention programs na siyang magsisilbi ng layuning ito. Mag-audit ng compliance ng mga LGU at dito natin umpisahan ang pag-aral sa suliranin.

BATAS

BUREAU OF CORRECTIONS

CHIZ

JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT

JUVENILE JUSTICE LAW

KAYA

KIKO

KODIGO PENAL

PHILIPPINE CRIMINAL JUSTICE SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with