^

PSN Opinyon

'Holdaper na taxi'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

HALOS 25,000 na taxi ang binigyan ng prangkisa ng Land Transportation Franchising Board (LTFRB) sa Metro Manila pa lamang.

Marami ang tumatangkilik ng taxi, dahil kung sasak-yang pampubliko lang naman ang pag-uusapan, ito na ang pinaka-kumportableng magdadala sa iyong patutunguhan. Dahil sa pagiging in-demand ng taxi sa publiko, marami ang nananamantala at nagsasagawa ng kani-kaniyang raket sa mga pasahero. Merong may taxing isnabero o ‘yung mga namimili ng mga pasahero at lugar na patutunguhan.

Meron namang mga pasaway na nangongontrata, imbes na gamitin ang kanilang metro na pagbabasehan ng bayad ng pasahero. O di naman kaya ‘yung humihingi pa ng dagdag pasahe ng mas mataas sa nakasaad sa kanilang metro. May estilo rin na shortcut kuno pero kung saan-saang daan ka ililiko ng taxi para magmahal ang kanilang singil sa pasahero. At ang pinaka-delikado, yung mga holdaper na taxi driver. Ang kasabwat na holdaper ng nagmamaneho, nagtatago sa likod na compartment ng sasakyan na tagos sa likurang upuan ng taxi.

Ganito ang reklamo ng isang call center agent na lumapit sa BITAG. Ala-una ng madaling araw papasok sa trabaho, ang taxing nasakyan niya ay isang kawatan. Sa umpisa hindi naman daw siya nagduda sa nasakyang taxi. Disente raw ang drayber at maayos naman ang sasakyang taxi, sa likurang bahagi ng taxi siya pumuwesto.

Suhestiyon daw sa kanya ng driver, dumaan sa isang shortcut upang agad siyang makarating sa kanyang pinapasukang call center. Dahil hindi alam ng biktima ang daan, hindi siya pumayag. Nagsimulang magduda ang biktima ng makailang beses itong huminto sa mga kanto ng kalsada na kanilang madadaanan gayong wala namang stoplight at tuloy-tuloy ang pag-andar ng ibang sasakyan sa kalsada.

Ikinagulat ng biktima nang biglang umangat ang kanyang  kinauupuan sa kaliwang bahagi ng sasakyan. Dito raw lumabas ang ulo ng isang lalaki kaya nagmakaawa pa siya sa drayber na wag ituloy ang kanilang masamang gagawin. Subalit nang malapit ng lumabas ang lalaki sa kanyang upuan, tinanggal niya ang pagkaka-lock ng pintuan saka tumalon palabas ng taxi. Nagtamo nang maraming sugat at nagkasi-ra-sira ang damit ng biktima. Rumatsada paalis daw ang taxi at dito siya namataan ng mga barangay tanod na rumoronda sa lugar.

Nakaranas ka ba ng ganito? Makipag-ugnayan agad sa BITAG dahil baka ang tinutugis naming taxi sa reklamong ito ang siya ring nambiktima sa inyo.

Abangan ang iba pang detalye sa reklamong ito!

ABANGAN

DAHIL

DISENTE

DITO

GANITO

IKINAGULAT

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING BOARD

METRO MANILA

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with