^

PSN Opinyon

'Pedestrian lane'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

ANO ba ang dapat gawin ng isang motorista kapag nakakita ng pedestrian lane sa kalsada? A. mag-full stop, B. mag-menor sa pagmamaneho, C. padaanin ang mga taong tumatawid, D. lahat ng nabanggit o E. wala sa mga nabanggit?

Kung isa kang matinong motorist at alam mo ang mga batas sa kalsada, malamang letrang D ang sagot mo. Pero kung alamang ang laman ng utak mo at isa ka sa mga pasaway na driver ng sasakyan, sigurado akong letrang E ang pinili mo.

Eto rin ang kasagutan ng isang pulpol at hambog na FX driver ng GT Express na may plate number DVZ 166. Ang kanyang biktimang muntik na niyang mapatay ng kanyang humaharurot na FX, nagsumbong sa BITAG.

Sa isang pedestrian lane daw ng ADB Ave., Ortigas, kasabay ang ilan pang taong tumatawid ay napilitan daw huminto ang FX na ito sa kanyang pagharurot sa nasabing kalsada.

Ang siste, si kuyang driver, siya na nga ang muntik ng makasagasa, galit na galit pa itong bumaba ng kanyang FX, pinagbantaan ang biktima at nag-amok pa ng suntukan.

Nakakatakot kung lahat ng nagmamaneho sa ating bansa, mapa-pribado o pampubliko mang sasakyan ay may ganitong asal. Siguradong maraming pedestrian ang masusugatan, mapapahamak at mamamatay.

Malaking pagkakaiba sa bansa ni Uncle Sam dahil sa ilang beses na pagbisita ng BITAG sa United States, nakita namin mismo na full stop o talagang humihinto ang mga sasakyan sa pedestrian lane may tumatawid man o wala.

Dito sa Pinas, walang pakialam ang mga haragang  drayber. Nakikipag-unahan pa ang mga ito na lumampas sa pedestrian lane kahit na may tumatawid pang mga tao.

Ni hindi kinatakutan ang simpleng lohi-ka ng batas na kapag nakasagasa ang isang motorista sa pedestrian lane, siguradong maghihimas ka ng malalamig na bakal ng kulungan.

O GT Express, ipi­na­uubaya na ng BITAG sa inyong kompanya ang pagdisiplina sa drayber na tinutukoy ng kolum na ito. Huwag na sanang dumami pa ang mga katulad niyang walang galang sa batas trapiko.

Para sa inyong ka­alaman, nakaabot na sa tanggapan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB ang kabarumbaduhan ng driver dahil sa plate number ng FX na nakuha ng biktima.

DITO

ETO

HUWAG

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

MALAKING

NAKAKATAKOT

NAKIKIPAG

UNCLE SAM

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with