'Madali akong lagnatin'
“Good day Dr. Elicano. Napapansin ko po na madali akong lagnatin ngayon. Kaunti lamang akong maambunan o kaya’y mapawisan at pumasok sa silid na aircon ay agad nangangati ang aking lalamunan at kasunod niyon ay pag-init ng aking katawan at nilalagnat na ako. Sa loob ng isang buwan ay dalawang beses akong nilalagnat. Siguro ay dahil sa pabagu-bagong klima. Ano po ba ang magandang gawin kapag nilalagnat at paano ito maiiwasan?”
— MARITESS SANTOS, Malinta, Valenzuela City
Uso ang sakit ngayong tag-ulan lalo na ang lagnat. Ipinapayo ko na kapag tumagal ng tatlong araw ang lagnat ay may makitang rashes sa balat nararapat kumunsulta sa doctor at baka sintomas na iyan ng dengue.
Ipinapayo ko na kapag nilalagnat ay uminom nang maraming tubig (1.7 liters) para hindi ma-dehydrate. Ilan sa mga sintomas ng lagnat ay ang pagpapawis, pagkauhaw, nausea, pangangati at diarrhea. Kapag nagpawis, ibig sabihin ay mataas ang temperatura at ang resulta nito ay ang pagkawala nang maraming tubig sa katawan. Makatutulong din ang pag-inom ng 200 ml. ng fruit juice na tinimpla sa equal amount ng tubig.
Ang normal na temperature ng katawan ay 36 C (98.6 F). Mababa ang temperature ng katawan sa umaga at mataas sa gabi. Ang ibang tao ay may normal na temperature na hanggang 0.6 C (1 F). Ang pagkakaroon ng lagnat ay indikasyon na ang katawan ay nakikipaglaban sa infection.
Kapag may lagnat ang isang tao, nawawalan din siya ng panlasa. Dumaranas din naman ng diarrhea at pagsusuka ang isang may lagnat kaya huwag kumain nang marami.
Sa mga batang may lagnat, maaari siyang bigyan ng paracetamol at punasan ng maligamgam na tubig ang katawan.
- Latest
- Trending