VERY busy si P.Noy sa visit nito sa China.
Ang ginawang pagbisita ni P.Noy ay para mapalakas at mapatatag pa ang halos tatlong dekada nang pagkakaibigan at ‘mutually beneficial relations’ ng Philippines my Philippines at PROC.
Ayon sa DFA, isa pang importante sa ginawang pagbisita ni P. Noy dito ay para maisulong ang ‘people-centered partnership’ na magtutulak para sa mas maraming hanapbuhay, negosyo, media, culture, education, at tourism exchange ng PHL at PROC.
Ang delegasyon ni P. Noy ay sasalubungin nina Assistant Foreign Minister Liu Zhenmin, Chinese Ambassador to the Philippines His Excellency Liu Jianchao, Deputy Director-General of Protocol Deprtment Xie Bohua of the Ministry of Foreign Affairs at mga opisyal ng Philippine Embassy sa Beijing sa pamumuno ni Charge d'Affaires ad interim Alex Chua, Minister at Consul General Maria Teresa Almojuela at First Secretary and Consul Noel Novicio.
Mula sa Beijing airport ay bibiyahe ang Pangulong Aquino at delegasyon nito sa Diaoyutai State Guesthouse para sa state visit.
Sinimulan ni P. Noy ang kanyang activities yesterday sa pamamagitan ng magkakahiwalay na pakikipagpulong sa Chinese businessmen sa China World Hotel, ka-miting nito ang mga opisyal ng Energy World, State Grid of China Corporation/National Grid Corporation of the Philippines, China Trend/China Investment Corporation/China Petroleum, at DPWH-led Chinese Contractors.
Magkakaroon din ng brief meeting si P. Noy sa pagitan ni Chinese Vice Premier Wang Qishan na susundan ng pagsasalita nito sa Philippines-China Economic and Trade Forum.
Sa Diaoyutai State Guesthouse ay kakapanayamin si P. Noy ni Yang Rui at Yang Lan ng CCTV Dialogue.
Opisyal namang sasalubungin si P. Noy sa Great Hall of the People ni Chinese President Hu Jintao, isang fitting ceremonies sa bumibisitang lider ng isang bansa.
Walang aaksayahing panahon si PNoy dahil pagkatapos ng kauna-unahang summit meeting sa pagitan ng Chinese leader ay magsasagawa ng bilateral meeting ang dalawang lider ng bansa.
Inaasahan din sasaksihan nina P.Noy at President Hu Jintao ang lagdaan ng kasunduan sa negosyo, economic at technical cooperation, media, sports, culture and information at iba pang larangan na higit pang magpapalakas sa ugnayan ng dalawang bansa.
Kinagabihan ay dadalo ang Presidente sa State Banquet sa Great Hall of the People na handog ng Chinese President.
Hindi palalagpasin ni P.Noy ang kanyang biyahe para bisitahin ang dalawang dinadayong makasaysayang lugar sa China ang --Great Wall of China at Forbidden City.
Isasama rin ni P.Noy sa kanyang papasyalan ang Badaling section sa Great Wall dahil sa rekomendasyon ng Chinese government.
Ang tanyag na Great Wall of China, maliban sa Forbidden city ang kadalasang dayuhin ng mga turista mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Bago umalis ng Shanghai ay makikipagpulong si P.Noy kay Chairman Wu Bangguo ng Standing Committee of the National People's Congress at Premier Wen Jiabao.
Simula nang maitatag ang diplomatic relations ng Pilipinas at China noong Hunyo 9, 1975 ay naging maayos ang bilateral partnership ng dalawang bansa pagdating sa pulitika /security at regional cooperation, trade, investment, agriculture, tourism, cultural , people-to-people exchanges na kapwa nag-benefit ang dalawang bansa.
Ang Philippines-China economic at trade cooperation naman ay patuloy sa pagsilbi at siyang naging gabay para higit pang lumakas ang relasyon ng Philippines my Philippines at China.
Ang China ngayon ang pangatlong pinakamalaking trading partner at pinagmumulan ng pinakamaraming turistang dumarayo sa PH.