^

PSN Opinyon

Hindi pa huli ang lahat kay Pagdilao

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

ANG unang giniba ng tong collector na si Ver Navarro, isang dating pulis, ay ang pangalan ni Interior Sec. Jesse Robredo. Ang pangalan kasi ni Robredo ang ipinangalandakan noon ni Navarro habang nangongolekta ng lingguhang intelihensiya sa mga illegal gambling at bold shows sa Quezon City. Tumahimik si Navarro nang hambalusin siya ni Robredo at nag-AWOL sa serbisyo.

Ngayon, ang pangalan naman ni CIDG chief Director Samuel Pagdilao Jr. ang ibinabando ni Navarro sa mga gambling lords at bold show operators. Si Robredo noon ay muntik nang malaglag sa kinauupuan niya dahil sa pagdungis ni Navarro sa pangalan niya. Si Pagdilao kaya na may ambisyon ding maging PNP chief ay maaapektuhan din sa tong collection activities ni Navarro? Ano sa tingin n’yo mga suki?

Kumakalat kasi ang balita na may nag-bid ng P800,000 sa isang linggo para sa kalakaran dito sa Metro Manila. At makalipas ang ilang araw, biglang nagsulputan sina Navarro at Emeng Macasaet sa Manila, Navarro sa SPD, Boyet Kalabaw sa Quezon City at Egay Lazaro sa Camanava. Sina Navarro, Macasaet, Kalabaw at Lazaro ay sagradong bata ni Supt. Junnel Estomo ng PMA Class ’92. Hindi ko sinasabi na si Estomo ang nanalo sa bidding ng CIDG sa Metro Manila ha? Pero maaring may mando pa si Estomo sa tropa ni Navarro, anang mga kausap ko.

Maaaring umalis na sa bansa ang bagyong si Mina subalit ‘wag kayong magtaka kung bumabaha pa sa mga kalsada ng Metro Manila. Ang baha ay dulot ng luha ng gambling lords, bold show operators at iba pang ilegalista dahil sa sobrang bangis ng tropa ni Navarro. Gusto kasi ng tropa ni Navarro na lampas doble ang itataas ng lingguhang intelihensiya nila.

Ito siguro ang sinasabi ni President Noynoy na “matuwid na daan.”

Mga sibilyan sina Navarro, Macasaet, Kalabaw at Lazaro subalit minamanduhan nila ang Task Force Maverick ng CIDG para mang-raid sa mga puwesto na hindi umaayon sa kagustuhan nilang dobleng lingguhang intelihensiya. ‘Yan na kaya ang sinasabing civilian supremacy over the police, Sec. Robredo Sir? Kasi nga, ang lahat ng pasobra sa P800,000 kada linggo na makulimbat ng tropa ni Navarro ay pumupunta sa bulsa ng amo nila. Hindi ikaw ‘yon Colonel Estomo ha?

President Noynoy at Secretary Robredo Sirs, ‘yan ang problema sa bidding ng lingguhang intelihensiya dahil nasisira ang imahe ng PNP at ang mga matatapang ang apog na mga sibilyan na tong collector ang may kagagawan. At dahil CIDG ang gamit nila, hindi nalalayo na maaapektuhan ang tsansa ni Pagdilao na maging PNP chief?

Pero hindi pa huli ang lahat! Dapat ipaaresto ni Pagdilao sina Navarro, Macasaet, Kalabaw at Lazaro at iparada sila sa media at publiko para mapatunayan niya na hindi niya saklaw ang illegal na gawain nila. Abangan!

BOYET KALABAW

COLONEL ESTOMO

KALABAW

LAZARO

MACASAET

METRO MANILA

NAVARRO

PRESIDENT NOYNOY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with