^

PSN Opinyon

Delfin Lee et al and the P6.6B

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAGLULUNDAGAN ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil papasok na ang Senado sa usapin regarding sa controversial na Globe Asiatique- Pag-ibig funds scam.

Sabi nga, P6.6 billion ang pinaguusapan dito kaya para maging malinaw bubusisiin ng Senado.

Sinampahan ng case problem si Delfin Lee, Dexter Lee et al ng syndicated estafa ng DOJ.

Bakit?

Billion of pesos ang pinaguusapan, kamote.

Marami bang kinasuhan ang DOJ?

May ilan-ilan pero may ibang top officials ang hindi isinama sa kaso.

Naku ha!

Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit saan nilang kamutin ay hindi nila lubos na maisip na solo katawan lang ang foreclosure manager na naki­pagtransaksyon sa Globe Asiaticque.

Kaya ito lang ang isinama sa case problem.

Ano ba ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga pekeng borrower pa daw na ginamit para makakuha ng P6.6 billion ang company ni Delfin Lee.

Naku ha!

Paanong nakalusot ito?

Kaya mainam pasukin ng Senado.

Sabi nga, sila ang bumusisi!

Sabi nga, ‘in aid of legislations’.

Sangdamukal na katanungan ang itatanong ng mga Senador  kaya maganda itong marinig ng madlang people all over the Philippines my Philippines.

Abangan!

Goodbye, BOC Alvarez

HINDI umubra ang grupo ni Customs Commissioner Lito Alvarez sa last minute pagpapa-pogi sa mga praise releases dahil sibak na ito kung ang Malacañang ang pagsasalitain.

Bakit daw?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ‘insufficient’ este mali inefficiency bilang Customs Commissioner?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

 Sino ang papalit?

Dumadagungdong ang mga bali-balita na si dating Muntinlupa Rep. at talunan senatorial bet Ruffy Biazon, ang papalit daw kay Lito.

Isa si Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang bokal na nagsasalitang sipain na si Alvarez sa bureau matapos mawalang ng billion of pesos ang gobierno sa pamamagitan ng taxi este mali taxes pala dahil sa pagkawala ng 2,000 container vans.

Sa interview kay Alvarez the other day sa telebisyon parang ayaw pa nitong magbalot at umalis sa puesto dahil nasa bureau daw siya sa ‘pleasure’ ni P. Noy.

Paano na ngayon?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, demolition job lang daw ito kaya gustong sibakin si Alvarez.

Naku ha!

Ano ba iyan?

Ngayon Mr. Commissioner, i-turnover mo na ang trono mo in a very professional manner. Hehehe!

Bye....

ALVAREZ

ANO

AYON

BAKIT

CUSTOMS COMMISSIONER

CUSTOMS COMMISSIONER LITO ALVAREZ

DELFIN LEE

NAKU

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with