BUKAS, Agosto 29, ay gugunitain nang pagpupugot sa ulo ni San Juan Bautista matapos niyang ipag-sigawan: “Herodes, hiwalayan mo ang asawa ng iyong kapatid.”
Ang sumusunod sa Salita ng Pangimoon ay maraming pagsubok. Akala natin na kapag malapit tayo sa landas ng Panginoon at tapat sa pagsunod sa Kanya ay pawang gantimpala ang ibinibigay Niya sa atin. Para bang sabi ng isang ina sa anak na lalaki: “magpari ka at gaganda ang ating buhay” at sabi naman sa anak na babae na gustong mag-madre, “anak huwag kang magmadre at marami kang hirap na mararanasan.”
Naranasan ni Propeta Jeremias na sa pagsunod niya sa tawag ng Panginoon ay pinag-tawanan at inuyam siya ng kanyang kapwa. Sa kanyang pangangaral ay sinigawan siya na sira nguni’t noong sabihin niyang lilimutin na niya ang Panginoon ay para namang apoy na nag-aalab sa kanyang puso na nakakulong sa kanyang buto. Hindi niya maiwasan ang tawag ng Panginoon.
Maging si Pablo ay namanhik sa atin na sa masaganang habag ng Diyos ay ialay natin ang ating sarili bilang handog sa buhay na banal at kalugud-lugod sa Panginoon. Iwasan natin ang takbo ng mundong ito. Si Pedro na nagpahayag na si Hesus ang anak ng Diyos na buhay ay ginawa siyang simbahang bato. Ngayon naman ay sinabihan siya ni Hesus: “Lumayo ka, Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao”.
Kadalasan ang isang tunay at wagas na magkaibigan ay nagsasabi ng katotohanan. Si Pedro ang taong may pagkakamali subali’t handang magbalik-loob. Hindi matanggap ang misyon ni Hesus na maraming pagbabanta ng hirap, ang Krus. Sa tunay na magkaibigan ay natural ang pagtatalo at pagsasagutan ayon sa kanilang mga plano at desisyon sa buhay. Palagi silang contra-pelo subalit sa kabila ng mga pagsubok ay silang dalawa pa rin ang nagtutulungan, nagbibigayan at nagpapatawaran.
Ang magkaibigan ay nagsasalita at nakikinig sa lan-das ng katotohanan, kapayapaan at kabanalan. Sinabi ni
Hesus: “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin”. Gumaganti ang Diyos sa bawat tao ayon sa kanyang ginagawa.
Jeremias 20:7-9; Salmo 62; Rom 12:1-2 at Mt 16:21-27