Sa lahat ng gubat may hudas

MATANDANG kasabihan ho sa atin ang sa lahat ng gubat may Hudas. Totoo rin naman ito sa tunay na buhay, dahil basta may gubat asahan nating may ahas. Kahit nga masukal lang na lugar may ahas na kadalasang hinahambing sa Hudas o mga traydor. 

Malamang nag-umpisa ito dahil sa ginawa ng ahas sa Garden of Eden na tumukso kay Eba at Adan upang kainin ang prutas na galing sa punong sinabi ng Diyos na bawal galawin. Isang katrayduran para sa sangkatauhan at ang Hudas naman ay si Judas Iscariot na tinuro si Hesuskristo kapalit ng 30 pirasong pilak.

Anyway, sa kampo ni President Noynoy Aquino III na mistulang gubat din ay may isang ahas. Isang ahas na hindi lamang nanunuklaw kung hindi handang kainin at kagatin ang presidente at ang sambayanang Pilipino makamtan lamang niya ang ambisyon. Kahit na alam niyang nais ni P-Noy ng isang matuwid na daan, ang hudas at ahas na ito ay nakikipag-usap at nagpaplano kung paano sirain ang mga ginagawa ng kasalukuyang administrasyon at matulungan ang kampo ni Madam Senyora Donya Gloria. 

Inuumpisahan na ito ng ulupong na ito sa pamamagitan ng pagpapahina sa mga ginagawa ng administrasyon upang tumibay at makarekober sa posisyon ang kampo ni Madam Gloria. Problema pa nito, ang traydor na ito ay hindi hitsurang ahas o Hudas kundi bulldog.

Sana mabasa ni P-Noy at mga kasamahan niya ang pitak na ito upang mabigyan sila ng babala. Ang traydor ay nakikipagsabwatan na sa kampo ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo Pidal. 

President Noy, please, ingat!

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa nixonkua@ymail.com

Show comments