Tripartism sa usapin ng Paggawa
KAILANGANG palakasin ang sistemang “tripartism” sa mga usapin ng paggawa. Ang tripartism ay binubuo ng sektor ng manggagawa, pribadong sektor at pamahalaan.
Ito ang binigyang-diin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada. Sa kaniyang Senate Bill No. 2921, sinabi ni Jinggoy na ang tripartism ay lalong magpapatibay sa Labor Code ng ating bansa.
Aniya, “Tripartism refers to the representation of workers and employers sectors in decision and policy making bodies of the government. Through tripartism, employers and workers on the one hand, representing their respective interests, and the government on the other hand, represen-ting the interest of the public, help shape labor, social and economic policies and programs of the government.’’
Ang sistemang tripartism aniya ay mapalalakas sa pamamagitan ng Tripartite Industrial Peace Council (TIPC) na kasalukuyang nasa mandate ng Department of Labor and Employment (DoLE). Ito aniya ay dapat umiral nang sapat sa antas ng nasyunal, rehiyonal at sa mismong bawat industriya ng paggawa.
Dagdag ni Jinggoy, pangunahing layunin ng tripartism ang pagtitiyak ng mga karapatan at pag-unlad ng mga manggagawa at kabuuang epektibong operasyon at pag-usad ng sektor ng paggawa tungo naman sa progreso ng ating bansa.
* * *
Greetings sa avid readers sa Mindanao: Dating Anak Mindanao Partylist Rep. Mujiv Hataman; Maguindanao Governor Toto Mangundadatu; Davao City Mayor Sarah Duterte; Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez; Cagayan De Oro City Mayor Vicente Emano; dating Senator Nene Pimentel at kaibigang Ding Ladayo.
Birthday greetings kina Dagupan City Mayor Ben jamin Lim (August 27); at kina Mandaluyong City Congressman Boyet Gonzales at dating Davao Congressman Ruy Elias Lopez (August 29).
- Latest
- Trending