^

PSN Opinyon

Palakpakan naman si Elmer Nepomuceno

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

UMANI ng pogi points si Konsehal Elmer Nepomuceno tungkol sa kontrata ng local government ng Marikina City at Prime Global Hotels Inc. na may opisina sa Global City sa Taguig City. Kinuwestiyon ni Nepomuceno ang kontrata, na ayon sa kanya, ay disadvantageous sa pamunuan ni Mayor Del de Guzman. Sumulat si Nepomuceno kay Atty. Florella Bandala Almarez, OIC ng City Legal Office, noong Agosto 1 upang hingin ang kanyang opinion tungkol sa kontrata. At sa kanyang sagot noong Agosto 11, inamin ni Almarez na may nakita siyang paglabag ng Prime Global Inc. sa kontrata na kung hindi kaagad napansin ni Nepomuceno ay malaking halaga ang mawawala sa kaban ng Marikina. Umayon din ang ilang konsehal na kaalyado ni De Guzman kay Nepomuceno.

Nakasaad sa kontrata na rerentahan ng Prime Global Inc. ang Marikina Hotel at Marikina Convention Center na nasa Concepcion 11 ng P1-milyon kada buwan. Nag-umpisa nang mag-operate ang Prime Global Inc. noong Enero pa, ani Nepomuceno, subalit hanggang ngayon hindi pa ito nagbabayad. Ang siste pa, ipina-sublease din ng Prime Global Inc. ang convention center sa ABS-CBN. May nagsabi kay Nepomuceno na P270,000 weekly ang renta ng ABS-CBN. Kung susuriin, kumikita ang Prime Global Inc. ng P20,000 weekly sa sublease lang ng ABS-CBN. Idagdag pa ang kinikita ng hotel at iba pa. Lumalabas na ginigisa sa sariling mantika ng Prime Global Inc. ang liderato ni De Guzman.

Pero hindi pa huli ang lahat dahil kumilos na si Atty. Almarez para panagutin ang Prime Global Inc. dahil sa paglabag ng terms and conditions ng lease contract. Sumulat na si Atty. Almarez kay John Rex Tiu, ang treasurer ng kompanya, na nagsasabing mag-comply sila sa nakasaad sa kontrata noong Mayo pa subalit hanggang ngayon hindi pa ito sumasagot. Dahil dito, gumawa na ng letter complaint si Atty. Almarez para panagutin ang Prime Global Inc. at kumolekta ng danyos. Ani Atty. Almarez, “Please be advised that this office is bent to stop the arrogant posture of Prime Global Inc. towards the city government and its constituents until its compliance.”

Mga taga-Marikina palakpakan n’yo naman si Konsehal Nepomuceno. Abangan! 

AGOSTO

ALMAREZ

ANI ATTY

CITY LEGAL OFFICE

DE GUZMAN

GLOBAL

INC

NEPOMUCENO

PRIME

PRIME GLOBAL INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with