^

PSN Opinyon

Kaso ni Doc Ortega mababaon sa limot?

- Al G. Pedroche -

PITONG buwan na simula nang paslangin ang environ­ment crusader at media man na si Doc. Gerry Ortega. Sa dami ng mga isyung nagkakapatung-patong, muk­hang unti-unting nababaon sa limot ito. Wala pa ring hustisyang natatamo. Bagkus, tila “off the hook” na ang mga pa­ ngunahing suspek sa pagpatay.

Alam na natin na si Ortega ay masidhing tumutuligsa sa pananalanta sa likas na kayamanan sa Palawan at iba pang katiwalian ng ilang pulitiko. At dahil sa kanyang mga maanghang na patama sa mga taong sangkot sa illegal na pagmimina at pagtotroso sa lalawigan, siya’y pinatahimik ng bala.

Umaapela ang naulilang kaanak ni Doc Gerry sa pangunguna ng asawa niyang si Patria Gloria Ortega sa Pangulong Noynoy na sana’y pag-ukulan ng pansin ang kasong ito. Kamakalawa, isa na namang newsman ang pinaslang. Bale ito’y pampito na sa termino ng Pangulo. Sa kasamaang palad, tila napakakupad ng usad ng katarungan sa mga kaso ng mga pinapatay na kabaro ko sa media. Kunsabagay, kahit ang pagkapatay sa ama ng Pangulo na si Ninoy ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya. Ngunit dapat ng matapos ang ganitong kultura. Dito sa ating bansa, hindi lang justice delayed ang nangyayari kundi hustisyang talagang hindi naisisilbi kadalasan.

Sabi ng Running Priest na si Father Robert Reyes: “While Doc Gerry was such a kind soul, he was relentless in his attacks against corruption in Palawan. He explained his fight against corruption as his way of fighting for the suffering poor Palaweños. His passion against corruption is equaled only by his dedication to protect the environment.”

Tama ang Pari. Madali para sa isang media practitioner ang manahimik na lamang kapalit ng pabor o halaga. Pero papaano naman yung mga mamamahayag na may prinsipyo at hindi puwedeng busalan ng salapi ang bibig? Bala na lang ba ang katapat nila?

Hindi lang ang kaso ni Ortega ang tinutukoy ko kundi pati na yung iba pang mga kabaro sa media na ngayo’y nahihimlay na sa libingan. Sa­na’y matuldukan na ang walang habas na pagpatay na ito sa mga mamamahayag na may ipinaglalabang prin-sipyo at adbokasya.

DOC GERRY

FATHER ROBERT REYES

GERRY ORTEGA

ORTEGA

PALAWAN

PANGULO

PANGULONG NOYNOY

PATRIA GLORIA ORTEGA

RUNNING PRIEST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with