^

PSN Opinyon

ES Ochoa, pakibusisi nga!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINDI magtatagal at sasampulan sa Kamara ang grupo ng economic saboteurs na may operasyon sa Bureau of Customs kaya anuman oras mula ngayon dapat na silang maghanda.

Sabi nga, lagot kayo!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, grabe as in grabe ang operasyon ng sinasabing grupo ni Frank Wong, isang George Tan, Kimberly Gamboa at isang Ricky o Rico pagdating sa 'smuggling' o 'patalon system' sa bureau para dayain ang gobyerno ni P. Noy sa pagbabayad ng taxes.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, name droppers daw ang grupong ito kaya tinatawagan natin si anti-economic saboteurs Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa, Jr., na pakikalkal ang mga kamoteng ito sa pantalan.

Ang ‘patalon’ system, ay mahigpit na pinagbabawal sa Bureau of Customs, ito ‘yung pagpapapasok ng mga shipment o pag-file ng import entry sa isang custom section na hindi nararapat doon sa division na iyon.

Ang masama pa nito ang 'patalon' system ay mga 'misdeclared' shipments na ini-smuggled out sa bureau.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bukayo na ang ganitong sistema o modus operandi ang problema nga lang ay inaalok nina Tan at Wong ang lahat ng section na pasukan ng kanilang shipments para hindi malaman ang tunay na laman ng kanilang kargamento.

Napapapayag ng mga kamoteng ito ang mga bugok sa bureau kapalit ng malaking halagang salapi.

Tongresman kikil sa BOC

BULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may isang dating tongresman este mali kinatawan pala ng isang province sa Philippines my Philippines ang nakipag-usap ng masinsinan para bakalan ng malaking halaga ng salapi ang isang Customs official para hindi na umano mabulgar ang kalokohan nangyari hinggil sa isyu ng nawawalang 2000 containerized vans papunta sana sa Port of Batangas.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung hindi papayag ang isang Boyet, sinasabing Customs official ay mabubulgar ang mga kagaguhan nila sa Kongreso.

Sa ngayon ay ginigisa sa Kamara ang mga opisyal ng Customs et al tungkol sa pagkawala ng may P3.6 billion halaga ng transhipment cargoes mula sa Manila patungong Port of Batangas.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, syota ng isang kinatawan ng isang province si tongresman kikil kaya naman subject sa ginisa blues ngayon ang ilang opisyal ng Customs sa Kongreso.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na kalkalin sa Kongreso ang grupo nina alyas Frank Wong, George Tan, Kimberly Gamboa at Rico ay malamang ito ang kikilan ni tongresman para hindi mabulgar ang kanilang 'monkey business' sa aduana.

Abangan.

ASSET

BUREAU OF CUSTOMS

FRANK WONG

GEORGE TAN

ISANG

KIMBERLY GAMBOA

KONGRESO

PORT OF BATANGAS

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with