^

PSN Opinyon

Editoryal - Saklolohan mga OFW sa Syria

-

HINDI na maganda ang nangyayari sa Syria na araw-araw ay may nangyayaring kaguluhan. Patuloy ang paglusob ng mga militante na matagal nang nananawaan na magbitiw si President Assad. Pero walang balak magbitiw ang lidet at lalo lamang pinalakas ang puwersa ng gobyerno. Nagdagdag ng mga sundalo at tangke. Pinauulanan ng bala ang mga lugar na pinamumugaran ng mga rebelde. Marami nang namatay dahil sa walang tigil na labanan. Noon pang Pebrero nagsimula ang ka­guluhan sa Syria. Walang ipinagkaiba sa nangyayari sa Libya na patuloy pa rin ang bakbakan at marami nang namatay na sibilyan.

Tinatayang may 17,000 OFWs sa Syria. Karamihan sa kanila ay mga Pinay domestic helper na matagal nang naglilingkod sa kanilang mga amo.

Ayon sa isang Pinoy worker sa Syria na nakapanayam ng TV Patrol, gustung-gusto na niyang umuwi sa Pilipinas sapagkat natatakot na siya sa mga putukan at paglalabanan. Pero ayaw daw ibigay ng kanyang amo ang suweldo niya at ang passport. Iniipit umano nito para hindi siya makaalis. Ayon sa Pinay, kailangang-kailangan niya ng tulong mula sa gobyerno para makaalis na sa magulong Syria. Araw-araw daw ay panibagong takot ang kanyang nararamdaman dahil sa nangyayaring civil war doon.

Baka raw mamatay siya kapag naipit na sa labanan.

Ayon naman sa isang DH na nakauwi na mula sa Syria, nararapat nang kumilos ang pamahalaan sapagkat nakakaawa ang mga DH doon na pinagmamalupitan ng kanilang amo. Kayod-kalabaw na ang ginagawa subalit pawang magmaltrato ang ginagawa sa kanila. At ngayon nga raw na sumiklab ang civil war doon, panahon na para sila ilikas. Hindi na dapat pang “tulugan” ang isyu ng repatriation sa mga OFW sa Syria. Gawin na ito bago mayroong mga Pinoy na madisgrasya roon.

Huwag nang tularan ang nangyari nang magkaroon ng giyera sa Lebanon, dalawang taon na ang nakararaan, kung saan ay hindi malaman ng OFWs kung saan susuling. Para silang mga daga na hindi malaman kung saan pupunta. Nabisto rin na walang ginagawa ang mga opisyal sa embahada sa Lebanon kaya nagkanya-kanya na lamang sa pagliligtas sa kanilang sarili ang mga OFW.

Hindi sana mangyari ang ganoon sa Syria. Saklolohan sila.

ARAW

AYON

GAWIN

NANG

PERO

PINAY

PINOY

PRESIDENT ASSAD

SYRIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with