^

PSN Opinyon

'Panghihipo' (Huling Bahagi)

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

MALAKI ang interes ng dalawang biktima na magreklamo laban sa lalaking naka-motor na gumagala sa kanilang lugar at nanghihipo ng maseselang bahagi ng katawan ng mga babaeng naglalakad.

Handa umano silang magsampa ng kaukulang kaso laban sa bastos na lalaki. Ang problema, itinatago ng kumpanyang Alantic Services ang suspek na kanilang empleyado.

Sa pamamagitan ng record ng rehistro ng motor ng suspek sa Land Transportation Office o LTO, nakapa­ngalan ang motor nitong itim na Honda Wave with plate number 9155 NC sa nasabing kumpanya.

Sa ilang beses na pagmamanman rin ng mga BITAG undercover sa suspek, positibong nagtatrabaho nga ito sa Alantic Services.

Nadismaya naman ang dalawang biktima tunguhin nila ang opisina ng Alantic Services kasama ang mga opisyales ng kanilang barangay upang kuhanin ang pangalan ng suspek.

Subalit tumanggi ang kompanya na ibigay ang pa­ngalan ng kanilang empleyado. Katuwiran daw nito, wala silang kinalaman sa reklamo.

Hiling ng dalawang biktima, makuha ang mga impormasyon kasama na ang pangalan ng suspek upang tuluyan silang makapagsampa ng kaso.

Maaaring may iba pang mga biktima ang suspek na minabuting tumahimik na lamang. Ipa-blotter sa pinakamalapit na presinto ng pulis, nbi o ireport sa bitag.

Kinakailangan ng agarang atensiyong medikal ng dalubhasa ang sinumang indibidwal na may sintomas ng karamdaman tulad ng suspek.

Ganunpaman, hindi magiging dahilan ang kaniyang karamdaman para makaligtas siya sa batas.

Sa mga taong malapit at nakakakilala sa suspek sa likod ng panghihipong ito, kinakailangan siyang matulungan bago siya lumala.

May nakakasang patibong ang bitag ngayong tukoy na namin kung sino siya at kung saan siya nagtatrabaho.

ALANTIC SERVICES

GANUNPAMAN

HANDA

HONDA WAVE

IPA

KATUWIRAN

KINAKAILANGAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAAARING

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with