Pangakong tinupad
NANG matapos ang unang taon ni P-Noy sa panunungkulan, nagkaisa ang mga kritiko sa grade ng presidente: Pasang awa. Sa mata ng marami ay kulang sa accomplishment si Boss. At ang pangunahing sinisi rito ay ang kanyang katamaran.??
Nasa pangalawang taon na tayo. Pangalawang buwan pa lang pero ngayon pa lamang ay halata na ang kaibahan. Para bang mula noong SONA ay may sumigaw ng “lights, camera…action!” at hanggang ngayon ay wala pang sumisigaw ng “cut!”??
Walang kinalaman si P-Noy sa dami ng usaping tinatalakay ngayon ng lipunan. Sa totoo lang, sa isyung 2004 and 2007 election fraud ay nakuryente pa nga ang Malacañang nang itinanggi ni Garci ang pagmalaki ng Palasyo na aamin na ito. Ang PNP-FG chopper scandal nama’y hango sa expose sa Senado.
Pero malaki ang papel na ginampanan ni P-Noy sa tatlong malaking isyung napapag-usapan. (1) sa pakiki-pagkompromiso ng gobyerno sa pamunuan ng MILF; (2) sa direktibang ipasara ang exhibit sa CCP ng mga artwork na inirereklamo ng simbahan; at (3) sa pagsulong ng RH bill bilang priority measure ng pamahalaan.??
Kontrobersyal ang tatlong aksyong ito subalit ang pinakamatimbang sa lahat ng presidential action ay ang kanyang desisyong gawing priority measure ng pamahalaan ang RH bill.?? Maaalalang isa sa campaign promises ni P-Noy ang pagtulak ng RH bill bilang haligi ng programa ng kanyang administrasyon. Kung may duda pa noon na pangangatawanan niya ang binitiwang campaign promise, ngayon ay hindi na ito maikakaila.?
Malinaw na hindi madali ang desisyong ito. Simbahan mismo ang katunggali ni P-Noy sa debate at nakita na na- tin—hindi lang sa RH bill kung hindi na rin sa CCP artwork scandal na hindi silang mag-aatubiling gamitin ang buong puwersa upang harangin ang mga panukalang kontra sa kanilang pinaniniwalaan. Napakadali sanang manahimik na lang at hayaang maki-pagsapalaran ang RH bill sa kamay ng mam-babatas. Ngunit hindi ito pumayag —siniguro pa rin niyang nakatatak ang pangalan sa bill at walang makakaduda na prioridad niya ito.?
Ang determinasyon na ipinapakita ni P-Noy sa isyung ito ay patunay na (1) hindi pakitang tao ang kanyang hayagang paniwala; (2) panga-ngatawanan niya ang kanyang mga pangako; at (3) gaya ng sim bahan, handa rin siyang ipagsapalaran ang buong puwersa ng pamahalaan para sa pinaniniwalaan.
- Latest
- Trending