^

PSN Opinyon

Editoryal - Paano maaakit ang mga turista?

-

KAHIT nagbitiw na si Tourism Secretary Alberto Lim, hindi naman dapat maging dahilan ito para masira ang tinatahak ng departamento na buhayin ang turismo. Huwag hayaang makaapekto sa programa ng turismno ang mga pagbabago sa departamento. Kung maraming hindi nagawa si Lim sa hinawakang departamento, ang sinumang ipapalit sa kanya ay nararapat na gumawa ng mga epektibong hakbang para maakit ang mga dayuhan na bisitahin ang Pilipinas. Kung hindi naging aktibo si Lim, ipakita naman ng papalit sa kanya na dodoblehin ang pagsisikap para maabot ang pangarap na maging bukambibig ng mga dayuhan ang Pilipinas.

Kumpara sa ibang bansa sa Asia, di-hamak na magandang tourist destination ang Pilipinas. Magaganda ang tanawin at malinis ang dagat sa Pala­wan, Boracay, Puerto Galera, CamSur, Bohol, at marami pa. Bukod sa mga iyan ang mga Pilipino ay may kakayahang magsalita ng English. Pero sa kabila nito, iniiwasan ng mga turista at sa halip ay sa Thailand, Malaysia at Vietnam nagtutungo. Para bang may sakit na iniiwasan at pinandidirihan.

Maraming dahilan kung bakit umiiwas ang mga turista. Kabilang na rito ang mga kaguluhan sa Mindanao na kagagawan ng Abu Sayyaf. Sino ang pupunta sa bansa na pinamumugaran ng mga kidnaper? Patunay ang pangyayari ilang taon na ang nakararaan ng kidnapin ang mga turista sa Palawan. Kabilang sa mga kinidnap ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham. Napatay si Martin nang i-rescue. Hanggang ngayon, patuloy ang Abu Sayyaf sa pangingidnap sa mga dayuhan.

Ang kriminalidad ay isa rin sa kinatatakutan sa Pilipinas. Mag-iisang taon na sa Agosto 27 ang hostage-taking sa Luneta kung saan walong Hong Kong tourists ang pinatay ng isang police officer. Natakot ang mga taga-Hong Kong na magtungo rito. Malaking dagok sa turismo ang nangyari.

Ang grabeng trapik sa Metro Manila ay isa rin sa mga dahilan kung bakit iniiwasan ang Pilipinas. Inirereklamo rin ang mga corrupt na opisyal sa NAIA na binibiktima ang mga turista.

Kung ang mga nabanggit na problema ay ma­wawala, tiyak na dadagsa ang mga turista sa Pilipinas. Magpapasalin-salin sa bibig ng mga turista ang mga naranasan kaya babalik muli sila.

ABU SAYYAF

AGOSTO

GRACIA BURNHAM

HONG KONG

KABILANG

METRO MANILA

PILIPINAS

PUERTO GALERA

TOURISM SECRETARY ALBERTO LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with