^

PSN Opinyon

Pa-jueteng ni James 'hardinero'

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

IBINIDA ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na nagkausap ng masingganan este mali masinsinan pala ang isang Palisoc at isang Rolan, utol ng isang opisyal dito sa Paraaque City para bangkaan ang jueteng operation sa nasabing place.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isang a.k.a James 'hardinero' ng Bulacan ang financer ni Palisoc kaya naman tuwang-tuwa sa galak si Rolan dahil kilala niya at alam niya kung sino ang kapitalista na sinasabi.

Sabi nga, sangkatutak ang kuarta!

Ayon sa naging pagpupulong ng dalawang gago ang pinagkasunduan nila ay 'walang takbuhan' para naman hindi sila kapwa masira sa mga sugarol sa Parañaque City na mahilig sa jueteng.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkabigayan na ng intelihensiya at million of pesos ang paunang tiembre.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bibiglain na lamang ang mga sugarol sa lugar ni Mayor Bernabe kung kailan ito pasisinayanan.

Abangan.

* * *

BILIB ako sa paninindigan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na tapusin ang problema ng human trafficking sa bansa.

Suportado natin ang kanyang posisyong hindi dapat nabibiktima ng human traffickers ang mga taong naghahangad lamang ng magandang kinabukasan sa ibang bansa.

Magandang senyales ang pagkilala ng Pangulo sa mga grupo at indibidwal na lumalaban kontra sa trafficking kung saan iprinisinta nito ang Presidential Citation kay Zamboanga City Assistant City Prosecutor Darlene Pajarito na kinilala rin kamakailan ng US State Department sa parangal na Global Trafficking in Persons Heroes for 2011.

Nakatanggap si Pajarito ng presidential citation dahil sa kanyang pinakamaraming kasong matagumpay na naisulong sa korte na nagresulta sa conviction ng mga akusadong sangkot sa human trafficking.

Umabot rin sa 12 organisasyon at indibidwal ang binig­yan ng Pangulo ng special citations dahil sa kanilang mga programa kontra sa human trafficking sa bansa.

Sa katunayan, nagresulta ang koordinasyon ng pamahalaan at mga organisasyon sa pagkaka-alis ng bansa mula Tier 2 Watch list ng the 2011 Trafficking in Persons Report na inilabas ng pamahalaan ng Estados Unidos (US) noong nakalipas na buwan.

Dito kinilala ang malaking kontribusyon ng bansa para sugpuin ang problema sa human trafficking, kabilang ang halos 200 porsiyentong pagtaas sa convictions ng traffickers.

Isa pang dapat nating ikatuwa at ipagpasalamat sa buong suporta ng Malacañang sa panukalang Freedom of Information (FOI) na titiyak sa “transparency” sa pamahalaan na pangunahing kampanya ni Aquino sa kanyang matuwid na daan.

Binabalangkas na ng Malacaang ngayon ang panukalang FOI na nagba-balanse sa interes ng pamahalaan na hawakan ang sensitibong mga impormasyon nang hindi nilalabag ang karapatan ng mga tao na malaman ang katotohanan.

Walang duda, siguradong maipapasa ang FOI bill dahil sa malaking suporta dito ni Pangulong Aquino na magsisilbing epektibong sandata laban sa katiwalian.

AQUINO

AYON

ESTADOS UNIDOS

FREEDOM OF INFORMATION

GLOBAL TRAFFICKING

MAYOR BERNABE

PALISOC

PANGULO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with