Perya queen
NAGMISTULANG casino ang puwesto ni Calabarzon perya queen na si alyas Tessie sa Batangas City. Sinabi ng espiya ko na puro color games lang ang inilatag ni Tessie sa kanyang puwesto kaya’t dinudumog ito ng mga parukyano, lalo na ang kabataan na nalululong sa bisyo. Hindi rin ito pinapansin ni Sr. Supt. Rosauro Acio, ang hepe ng pulisya sa probinsiya ng Batangas, dahil sa may lingguhang intelihensiya sa kanya si Tessie nga. Tiyak kasi na tataas ang bilang ng kriminalidad sa Batangas City bunga sa casino ni Tessie, di ba mga suki? Maliwanag na kahit anong gawin nitong si Tessie ay hindi pinapansin ng kapulisan natin bunga sa padrino niyang si PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo. Itong si Bacalzo rin ang dahilan kung bakit naglilipana na sa ngayon ang puwesto ng peryahan ni Tessie sa Southern Tagalog, di ba mga suki? Hehehe! Malapit ng mahinto ang buwenas sa buhay ni Tessis.
Nagbukas din ng peryahan si Tessie sa mga bayan ng Paete, Pangil at Nagcarlan at sa San Pablo City. Ang masaklap pa, sa Nagcarlan, sa mismong harap ng munisipyo ang pasugalan ni Tessie habang sa San Pablo City naman ay nasa likod ng Jolibee. Siguro alam nyo na mga suki kung bakit naglipana na sa Southern Tagalog ang peryahan ni Tessie? Kelangan ko pa bang sagutin yan, PNP chief Bacalzo Sir? Kung sabagay, hindi lang si Tessie ang me peryahan sa Laguna kundi maging si Umbay na ang puwesto ay matatagpuan sa plaza mismo ng bayan ng Sta. Cruz. Sa Bay naman, dalawa ang peryahan at ang isa dito ay sa katabi mismo ng police station. Ano ba yan chief Bacalzo? Sa Lemery, Batangas naman ang kay Tita Daraza at sa Tanauan ang kay Jun ALona.
Sa Cavite naman, nagbukas na ang jueteng kaya’t namamantikaan na naman ang mga bibig nina PO3 Marlon Garcia at Landong Bulag, na umano’y taga-DZRH, ang mga bagman ni Sr. Supt. John Bulalacao, ang provincial director ng PNP sa probinsiya. Totoo ba na itong sina Garcia at Landong Bulag ay namamasok ng mga bahay-bahay diyan sa Cavite kahit walang search warrant? Aba dapat sitahin ito ni Calabarzon police director Chief Supt. Gil Meneses, di ba mga suki? Nakakadagdag kasi ang akusasyon na maibaba lalo ang imahe ng PNP natin na halos di na makahinga bunga sa mga anomalya tulad ng biniling helicopter na luma, ang rubber boats na depektibo at iba pa. Malimit makikita itong sina Garcia at Landong Bulag sa Dasmariñas kung saan me lotteng itong si alyas Don Ramon. At nasaan na kaya si alyas Rico, habang tuloy ang ligaya nina Garcia at Landong Bulag? Abangan!
- Latest
- Trending