^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Suportahan ang Dragon Boat Team

-

DUMATING na kahapon ang Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) team makaraang maki-pagtagisan ng lakas at tatag sa 10th World Dragon Boat Championship sa Tampa, Florida. Nag-uwi sila ng limang gold at dalawang silver. Pawang malalaking bansa ang tinalo ng team kaya umani ng pagkilala ang team na binubuo ng mga sundalo.

Kahapon ay naging mainit ang pagsalubong sa grupo sa Ninoy Aquino International Airport. Kabaliktaran nang sila’y umalis sa bansa na wala man lamang nagbalita. Wala man lamang sumuporta sa kanila mula sa gobyerno. Ayon pa sa report, nahirapan pa ang team kung saan sila kukuha ng pamasahe sa eroplano para makalipad sa Florida. Pati ang kanilang tirahan doon ay naging problema. Sa madaling salita, sila mismo ang nagpursige at gumawa ng paraan para lamang makaalis at makasali sa competition.

Nagbunga ang kanilang pagtitiyaga sapagkat nanguna sila sa competition. Tinalo nila ang Italy, Japan at Australia na matagal nang naghahari sa boat racing. Kitang-kita ng mga Pinoy sa Florida ang ipinakitang husay ng Philippine team sapagkat malayo ang agwat nila sa mga kalabang bansa. Halos maglundagan sa tuwa ang mga kababayan nang lampasan ng Philippine team ang kalaban. Nag-ambag-ambag ang mga Pinoy ng pera at pagkain para sa grupo.

Pero sa kabila ng tagumpay at iniuwing kara-ngalan ng grupo, may mga lumalait din sa kanila. Matatanda na raw ang mga miyembro at dapat nang mag-resign. May kontrobersiya sa pagitan ng PDBF at Philippine Olympic Committee (POC). Ayaw umanong kilalanin ng POC ang PDBF. Ito marahil ang dahilan kaya tahimik na tahimik ang pag-alis ng team patungong Florida. Walang sumuporta sa kanila mula sa sports governing body.

Sa ipinakitang husay at tatag ng team, malaki ang pag-asa na marami pa silanga hahakuting ginto sa hinaharap. Sila ang dapat suportahan at hindi ang iba pang paligsahan na walang idinudulot na karangalan sa bansa.

AYAW

AYON

DRAGON BOAT CHAMPIONSHIP

DRAGON BOAT FEDERATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PINOY

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with