^

PSN Opinyon

Ilang totoong pangungusap

SAPOL - Jarius Bondoc -

Bago na ang e-mail ko: [email protected]

* * *

PADALA ito ng isang kaibigang Amerikano. Sa dami nitong mga totoong pangungusap, tiyak may dalawa o mahigit na tugma sa iyo:

(1) Isang tungkulin ng best friend na burahin ang computer mo kung mamatay ka. (2) Walang mas nakaka-panlumong pakiramdam kaysa, sa kainitan ng pagtatalo, nabatid mong mali ka. (3) Binabawi ko lahat ng hindi ko pag-idlip nu’ng bata pa. (4) Dapat may font para sa panunuya. (5) Kailangan ba talaga matuto magsulat nang kabit-kabit?

(6) Mas interesante sana ang mga obituary kung sinasalaysay kung paano namatay. (7) Hindi ko maalala kung kelan huli kong naramdaman na hindi ako medyo pagod. (8) Makukulay na kuwento ang mga maling desisyon. (9) Hindi matiyak kung kelan darating, pero may pagkakataon sa opisina na alam mong hindi ka magiging produktibo buong araw. (10) Nakakainis kapag hindi mo nasagot ang telepono bago mag-huling kiriring. Tapos, kapag tinawagan mo hindi ka naman sasagutin.

(11) Tinatabi ko sa cell phone directory ang ilang pangalan para alam kong hindi ko sasagutin kapag tumawag. (12) Dapat may ilaw din sa freezer. (13) Kung minsan kapag panoorin uli ang isang old movie, saka mo mababatid na hindi mo pala ito naintindihan noon. (14) Titiisin ko nang magbitbit ng tig-sampung grocery bags sa bawat kamay kaysa magdalawang biyahe. (15) Sa pagmamaneho, iisang rason lang na okey na matagal ang red traffic light — kung may tinatapos kang text.

(16) Ang hirap tiyakin kung bagot ka o gutom. (17) Dumudumi ang kamiseta; dumudumi ang briefs o panties; pero ang pantalon hindi, kaya puwede mo isuot paulit-ulit. (18) Kung minsan, makatlong beses na ako tumingin sa relos pero hindi ko pa rin alam ang oras.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

AMERIKANO

BINABAWI

DAPAT

DUMUDUMI

ISANG

KAILANGAN

KUNG

MAKINIG

MAKUKULAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with