^

PSN Opinyon

'Danyos'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

DANYOS o bayad-pinsala, ito ang tawag sa perang ibi­nabayad dahil sa damages o anumang pinsala. Karaniwang tao at ari-arian ang binabayaran dahil sa danyos.

Eto rin ang isa sa dahilan kung bakit may mangilan-ngilan na tanggapan ng BITAG ang pinupuntahan dahil sinasabing sila’y naapektuhan.

Karaniwan mga produktong pagkain at inumin ang dala-dala ng mga taong ito na humihingi ng danyos.

May sardinas na may ulo ng daga, may botelyang may ipis, may beer na may sigarilyo sa loob, softdrinks na may plastic at kung anu-ano pa.

Nitong nagdaang Miyerkules, araw ng serbisyo publiko ng BITAG, isang ginang mula sa Pasig City ang dumating sa aming tanggapan dala-dala ang bote ng litro ng softdrink.

Amoy gaas daw ang softdrinks na kanyang binili sa tindahan. Sa una, hindi niya pinansin ang nangangamoy gasolina sa pag-aakalang galing ito sa kanyang kalan.

Subalit nakailang lagok na raw siya ng masiguradong ang iniinom niya ang nangangamoy gaas.

Lumapit na raw si misis sa pamunuan ng RC Cola upang ireklamo ang produktong nabili. Humihingi siya ng danyos dahil muntik na umano siyang malason sa inuming ito.

Ang punto ng nasabing kompanya, magpa-check up ang ginang at patunayan ng doctor na meron siyang tinamong pinsala sa katawan sa pagkakainom ng kanilang produkto.

 Sagot ni misis, hindi raw siya nagpa-check-up dahil wala naman siyang naramdaman.

Tanong ng BITAG, bakit sa amin lumapit. Ayon sa ginang, nais daw niyang mabayaran siya ng kompanya ng softdrink.

Lahat ng kasong ganito na nahawakan ng BITAG, kahit walang nangyaring pinsala o masamang epekto sa mga “biktima” nagnanais na makakuha ng danyos.

Babala ng BITAG, hin­di maaaring gamitin ang aming tanggapan sa in­yong mga pansariling in­teres. Magiging kaparte kayo ng problemang kapa­bayaan ng mga kompanya kung patuloy lang kayong manghihingi ng danyos para tumigil kakangawa.

Maging paalala rin ito sa mga kompanyang may ibinebentang produkto lalong lalo na ang pagkain.

Hindi lamang ito basta negosyo, may social res­ponsibility din kayo na kailangang isaalang-alang para sa kaligtasan ng mga tao.

Manood ng BITAG Live araw-araw tuwing alas 7:30 hanggang alas 9 ng umaga para matuto. 

vuukle comment

AMOY

AYON

BABALA

BITAG

ETO

HUMIHINGI

KARANIWAN

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with