^

PSN Opinyon

Nakaw na shipments sa BOC

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MAY mangyari kaya sa imbestigasyon ng Kongeso tungkol sa billion of pesos nakaw na transhipment cargoes sa Bureau of Customs?

Malalaman ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Aug. 15, ang kasagutan sa tanong ng madlang people na naghihintay ng linaw sa libong containerized vans na ninakaw sa bureau.

Tinatanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung anu-anong klase ng mga kontrabando ang laman ng transhipment cargoes kaya ninakaw ito matapos manggaling sa Port of Manila at Manila International Container Port papunta sa Port of Batangas.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Atty. John Tan, bilang customs collector ng Port of Batangas ay sinibak sa kanyang puesto mula ng magsumbong siya sa kanyang bossing sa bureau regarding sa nakaw na shipments.

Ano ba ito?

May 'shabu' kayang laman ang mga transhipment cargoes kaya tinira ito ng sindikato sa bureau?

Malaking buwis ang nawala sa pamahalaan ni P. Noy dahil sa ninakaw na epektos.

'Masubukan kaya ang kamandag ng bagong Ombudsman sa pangyayaring ito?'

'Basta bakbakan mo Zambales Rep. Mitos Magsaysay'

Abangan.

Suportahan si P. Noy

KAILANGAN maubos na ang grupo ng bandidong Abu Sayyaf para tumahimik na ang Mindanao kaya dapat suportahan ng mga resident todits ang gobierno ni P. Noy laban sa mga mamamatay tao na sumisira sa pangalan ng Philippines my Philippines.

Nakikiramay ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagkamatay ng 7 soldiers dyan sa Sulu.

Sabi nga, kawawa naman sila!

Cooperative este mali cooperation pala ang kailangan ng madlang people dyan sa Mindanao para matapos na ang mga katarantaduhan ng mga terorista.

Ika nga, kapayapaan ang kailangan at hindi bandido.

Kambiyo isyu, suportado 'palace in the sky' este mali palasyo pala ang  panukalang 'Freedom of Information.'

Tiyak dito ang  “transparency” sa matuwid na daan ni P. Noy.

Hinihimay ng Malacanang ang panukalang FOI na nagba-balanse sa interes ng pamahalaan na hawakan ang sensitibong mga impormasyon nang hindi nilalabag ang karapatan ng madlang people na malaman ang katotohanan.

Malaki ang suporta ni P. Noy sa FOI, na maglalagay sa Philippines my Philippines para labanan ang corruption.

Sabi nga, abangan!

ABU SAYYAF

BUREAU OF CUSTOMS

FREEDOM OF INFORMATION

JOHN TAN

MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

MINDANAO

MITOS MAGSAYSAY

PORT OF BATANGAS

PORT OF MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with