^

PSN Opinyon

Ang PTV 4

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NAPAGKUWENTUHAN namin ng aking anak na si Se-nate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang pahayag ni President Noynoy Aquino na pagpapa-lakas ng People’s Television Network Inc. (PTV 4).

Inatasan ng presidente ang Gabinete na mag-draft ng proposal para sa strengthening and revitalizing ng istasyon upang magampanan ang paghahatid ng impormasyon at serbisyo sa publiko. Kabilang umano sa lalamanin ng proposal ay ang pag-amyenda sa PTV Charter upang makahikayat ng mga private investor na bibili ng airtime.

Ayon kay Jinggoy, ang PTV 4 ay puwedeng maging one of the leading TV stations sa pamamagitan ng pagtugon sa isang istratehikong niche sa broadcast industry. Isang posibleng paraan aniya rito ay ang pag-develop sa PTV 4 bilang pangunahing multi-culture and multi-lingual TV channel kung saan ay regular na makakukuha ng mga impormasyon ang iba’t ibang bansa.

Maaari aniyang ialok ang ilang airtime ng istasyon sa mga Cultural Office at embahada ng ibang bansa tulad ng European Union, United Arab Emirates, Kingdom of Saudi Arabia, US at iba pa. Puwede silang mag-sponsor ng TV programs na magbibigay ng impormasyon sa kanilang nationals na nasa Pilipinas, gayundin sa mga Pilipino na nais pumunta sa ibang bansa.

Siyempre aniya ay kasama rin dapat sa regular shows ng istasyon ang mga balitang pambansa at world news, pelikula, documentaries, sports, business, food and lifestyle at iba pang programang makabuluhan.

* * *

Greetings kina Labor Attache Liddy Rasul-Tanedo (Philippine Overseas Labor Office sa Macau); Pag-Ibig Vice President Ruben John Basa at sa kanyang secretary na si Joy Maligat; sa mga opisyal at staff ng Embassy of South Korea at Embassy of Japan sa ating bansa; at kay Assistant Labor Attache Teresa Olgado (POLO, Hong Kong).

ASSISTANT LABOR ATTACHE TERESA OLGADO

CULTURAL OFFICE

EMBASSY OF JAPAN

EMBASSY OF SOUTH KOREA

EUROPEAN UNION

HONG KONG

JOY MALIGAT

KINGDOM OF SAUDI ARABIA

LABOR ATTACHE LIDDY RASUL-TANEDO

PAG-IBIG VICE PRESIDENT RUBEN JOHN BASA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with