Comelec, halalan repormahin agad
Bago na ang e-mail ko: [email protected]
* * *
ANI Senador Koko Pimentel sa panayam sa progra-mang Sapol sa DWIZ nu’ng Sabado (8-10 a.m., 882-AM), may isang komite na siyang inaasinta. Tinatawag ko na siyang “Senador” dahil tiyak nang ipo-proklama ng Senate Electoral Tribunal, dahil nag-resign si Migz Zubiri at iniatras ang 2007 election counter-protest. At sa SET mismo ani Pimentel siya una magbo-volunteer umupo. Ito’y para matulungan niya ang SET baguhin ang internal procedures. Kabisado niya ang isyu. Ang SET kasi ang nagpatagal nang apat na taon sa kanyang protesta. Kung hindi umatras si Zubiri, baka hanggang 2013 election ay wala pang desisyon ang SET.
Sa Sapol naghabilin si Zubiri kay Pimentel na huwag papayag na bumalik sa manual election system. Sa manual kasi naisasagawa sa canvassing ang “dagdag-bawas,” na gumulo sa kani-kanilang mga boto nu’ng 2007. Fully automated ang 2010 presidential-congressional-local polls kaya walang nakapandaya sa bila-ngan. Iba ang anyo ng dayaan: bilihan ng boto sa lokal, bentahan sa Comelec ng party list accreditation o pagkapanalo, at lutuan ng desisyon sa Comelec.
Kailangan amyendahan ang Omnibus Election Code para higpitan ang pagbebenta ng botante, hindi lang ang pamimili ng kandidato ng boto. Dapat din linisin ni chairman Sixto Brillantes ang Comelec.
Duda ako na magagawa ni Brillantes ang huli, sa ilang dahilan. Una, hindi siya kumbinsido na madumi ang ahensiya. Nang bago pa lamang hepe at iniulat sa kanya ang Mafia ng siyam na suppliers, hindi siya naniwala. Ikalawa, sa pananaw niya ay depende sa chairman ang katinuan ng Comelec. Personal niyang naranasan bilang election lawyer nu’ng 2006 ang umano’y horse-trading ni dating chairman Ben Abalos ng mga kaso. Pero ngayon, ani Sen. Alan Cayetano, panay ang bigay ni Brillantes ng pabor kina Abalos at mandarayang Virgilio Garcillano.
- Latest
- Trending