^

PSN Opinyon

P3.6 billion buwis nawala sa gobierno

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SA susunod na Lunes, Agosto 15, tiyak tatalakan at hindi tatantanan ng mga kongresista sa pangunguna ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang mga nagsabwatan sindikato at mga gagong taga - Bureau of Customs sa pagkawala ng libong transhipment cargoes galing Port of Manila at Manila International Container Port bound sa Port of Batangas.

Nawalan ang gobierno ni P. Noy ng P3.6 billion sa buwis dahil sa mga katarantaduhan pinaggagawa ng kamote dyan sa bureau.

Sabi ni Magsaysay, ipapatawag niya sa pagdinig sa Kamara sina Araceli Arellano at Lyn de Guzman, para magsalita kung nasaan napunta ang mga missing cargoes dahil sila pala ang naka-pirma sa mga documents sa BOC.

Sa ngayon kasi ay under investigation ng NBI ang ilang customs guards sa POM at MICP para malamang kung sinu-sino ang nakapirma sa 'boat note'.

Bakit?

May mga denial na kasi ang 'wharfinger' sa Port of Batangas regarding sa pirmahan blues na pinaguusapan.

Sabi nga, peke daw ang pirma sa boat note?

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng mga asset ng mg kuwago ng ORA MISMO, ang 'boat note' ay isang uri ng logbook na pinipirmahan ng wharfinger o bodegero para tanggapin ang isang shipment na papasok sa isang warehouse o puerto.

 Ito pa ang malaking problema ng Customs kung paano nila makukumbinsi si Magsaysay matapos mabuko ang LCN Trading, Sea Eagle Enterprise at Moncelian Trading ay mga pekeng companies.

Kaya naman kailangan ng umpisahan ng taga - BOC Iterim Customs Administration and Registration official ang pagkakamot sa kanilang mga ulo kung paano nila papaliwanagan ng maayos si Mitos na hindi sila susupalpalin nito dahil nga fictitious ang tatlong companies.

Sabi nga, lagot kayo!

Bakit?

Ang BOC-ICARE, ang nagbibigay ng mga accreditation sa lahat ng mga kompanya sa Philippines my Philippines regarding sa importation of cargoes.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lusot dito ang x-ray scanning unit dahil hindi na pala kailangan dumaan sa x-ray machine ang mga transhipment cargoes para masuri kung anong klase ng mga cargoes ang nakalagay sa isang container van kapag umalis ito sa port of origin dahil sa port of destination ito iiksaminin.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, inamin ni Batangas Customs Collector John Tan na mahigit sa 300 transhipment cargoes na nakalulan sa mga container vans ang tinanggap ng kanyang puerto sa sinasabing 900 containers dapat.

Asan ngayon ang iba?

Dahil sa pangyayaring ito hindi lang pala 500 plus ang nawawala kundi aabot sa mahigit sa 2,000 container vans ang missing ngayon mula pa noon mga nakaraan buwan matapos itong mabusisi sa kanilang talaan.

Nakausap ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Rep. Magsaysay the other day regarding sa paghimay niya sa mga nawawalang transhipment cargoes kasi balak niyang ipatawag ang isang alyas Boy Valenzuela at isang alyas J.G, aka Kimberly para kumanta este mali magbigay linaw pala tungkol sa scam sa bureau.

'Baka ningas cogon lang si Mitos dito?'

'Naku hindi'

'Bakit?'

'Hindi tatantanan ni Mitos ito matindi ang isyu kasi'

Abangan.

ARACELI ARELLANO

AYON

BAKIT

BATANGAS CUSTOMS COLLECTOR JOHN TAN

BOY VALENZUELA

MAGSAYSAY

MITOS

PORT OF BATANGAS

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with