'Helicopter scam'
DAPAT mabusisi nang husto ang pagbili ng Philippine National Police sa nakaraang administrasyong Arroyo ng mga second hand helicopter pero binayaran sa presyong brand new.
Ibinunyag ni businessman Archibald Legaspi Po, may-ari ng Lion Air Inc. at Asian Spirit, na dalawang R44 Raven I helicopters na binili ng PNP noong 2009 ay pag-aari ni dating First Gentleman Mike Arroyo at ginamit na nito sa kanilang kampanya noong 2004 presidential election. Sa kabila ng pagiging second hand ng naturang mga helicopter ay binayaran pa rin umano ng PNP ang mga ito sa presyong brand new. Base sa mga impormasyon at ebidensiya ay nakikitang nasa sentro mismo ng naturang anomalya ang dating First Gentleman.
Ayon sa aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, “In effect, Mr. Po admitted to being the ‘frontman’ of FG for this transaction. In effect too, it has now been clearly established that it was FG who engineered the whole deal related to the PNP’s purchase of the helicopters… it is therefore imperative that Mr. Arroyo’s presence at the next hearing and the subsequent hearings that the Senate will schedule is assured.”
Nanawagan si Jinggoy sa kinauukulan na ilagay sa immigration watchlist si FG upang matiyak na sisipot ito sa pagdinig. Kasunod nito ay inasikaso naman ng Department of Justice ang paglalagay kay FG sa immigration watchlist. May mga pangamba kasi na iiwasan kundi man direktang pagtataguan at tatakasan ni FG ang Senate hearing laluna’t pinalulutang na ng kanyang kampo na sumasailalim siya sa medical checkup sa Hong Kong.
* * *
Binabati ko ang avid readers na sina Mr. Jessie Ching ng Casuguran, Aurora; Atty. Joel Nimo; Board Member Anli Apostol ng 2nd District ng Leyte; Labor Undersecretary Hans Cacdac; at Pag-Ibig Fund Chief Executive Officer Darleme Berberabe gayundin ang kanyang Chief of Staff na si Atty. Nanette Abilay.
- Latest
- Trending