^

PSN Opinyon

Editoryal - Wala na kayang Very Important Preso (VIP)?

-

MARAMING balak ang bagong Bureau of Corrections (BuCor) Director Gaudencio Pangilinan. Kabilang sa kanyang mga balak ang pag-iimproved ng pasilidad ng mga kulungan sa buong bansa, seguridad, pagkain ng mga bilanggo, visitation, hospital services at reformation program. Kasama rin sa kanyang balak ang pagtutok sa spiritual, psychological at mental na pangangailangan ng mga bilanggo. Isusulong din umano niya ang pagkakaroon ng livelihood projects ng mga bilanggo. Ayon kay Pangilinan, ang kalayaan lamang ang ipinagkait sa mga bilanggo pero ang dignidad ay nananatili pa rin sa kanila. Kaya nararapat na ihanda sila sa muling pagharap sa lipunan sa oras ng kanilang paglaya.

Maganda ang mga balak ni Pangilinan. Malayong di-hamak sa pamumuno ni dating BuCor Dircctor Ernesto Diokno na nagbitiw sa tungkulin dahil sa paglabas-masok ni dating Batangas governor Antonio Leviste. Nahuli ang paglabas-masok ng dating governor noong Marso na sinusundo pa umano ng drayber nito. Magpapabunot daw ng ngipin pero sa building pala nito sa Makati nagpupunta. Maraming beses na umanong nakalabas-masok si Leviste at walang ginagawa ang guwardiya para siya pigilan. Si Leviste ay nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagpatay sa kanyang associates.

Malaking isyu sa National Bilibid Prisons (NBP) ang pagiging “malaya” ng mga maykayang bilanggo. Dahil maraming pera, nagagawa nilang tila “motel” o “bahay-bakasyunan” ang NBP. May sarili silang kuwarto o kubo, may aircon, refrigerator, TV, kama, banyo, may burger stand at marami pang iba.

Bukod kay Leviste na malayang nakagagalaw sa kulungan, ganito rin ang kalagayan ni dating Zamboanga congressman Romeo Jalosjos noon. Umano’y maski ang businessman na si Rolito Go ay “VIP” rin sa NBP. Marami pang may pera ang namumuhay nang Malaya kahit nakakulong.

Maraming balak si Pangilinan bilang bagong BuCor chief pero nalimutan niyang sabihin kung wawasakin niya ang pagtingin sa mga “VIP”. Kaya ba niyang gibain ang mga kubo at iba pang istruktura ng mga maykayang bilanggo?

vuukle comment

ANTONIO LEVISTE

BUREAU OF CORRECTIONS

DIRCCTOR ERNESTO DIOKNO

DIRECTOR GAUDENCIO PANGILINAN

KAYA

LEVISTE

MARAMING

NATIONAL BILIBID PRISONS

PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with