'Kutos.'
PANGALAWANG magulang, eto ang responsibilidad ng mga guro sa paaralan sa kanilang mga mag-aaral.
Subalit ang katwirang ito ang kadalasang nagbibigay ng dahilan para sa ilang maestro at maestra na masaktan ang kanilang malilikot at makukulit na estudyante.
Masakit sa isang tunay na magulang na makitang uuwi ang kanilang mga anak mula paaralan ng may tama o may masakit sa katawan.
At ang itinuturong gumawa nito, ang mismong guro ng kanilang anak sa eskuwelahang pinapasukan.
Ganito ang nararamdaman ng mag-asawang mula pa sa Tanay Rizal na lumapit sa BITAG. Mangiyak-ngiyak ang mga ito kasama ang kanilang 11-taong gulang na anak na babae.
Matapos daw kutusan sa ulo ang kanilang anak ng mismong teacher nito sa grade 5, nagka-hematoma ang bata.
Dala ang medical certificate, ipinakita ng mag-asawa sa BITAG ang sinapit ng bata matapos ang panga-ngaltok na ginawa ng guro nito.
Ang dahilan ng pambabatok sa ulo ng guro, na-late ng pasok ang bata. Paliwanag ng magulang, sana’y inintindi ang kalagayan ng kanilang anak na dalawang kilometro pa ang nilalakad makapasok lamang sa paaralan.
Dumagdag pa sa sama ng loob ng magulang ang malaking pagbabago sa ikinikilos ng kanilang anak. Bukod sa trauma at takot sa guro, hindi na raw ito gaanong nagsasalita.
Humihingi ng hustisya ang mag-asawa sa sinapit ng bata. Hindi raw nila inakalang sa mismong eskuwelahan pa masasak- tan ang anak.
Sinasadya man o hindi, hindi ito dapat umabot sa pisikal na pagdidisiplina.Bilang guro ay may sinumpaang tungkulin na pangalagaan ang mga estudyanteng kanilang hinahawakan.
Para sa BITAG, hindi ito tama! Isa itong baluktot na gawain lalo na ng mga propesyunal na katulad ng mga guro.
Nakatakdang tunguhin ng BITAG ang eskuwelahan ng estudyanteng nasa kolum na ito…
- Latest
- Trending