^

PSN Opinyon

'Dok, hirap ako makatulog'

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

Dear Doc Willie. Hirap akong makatulog. Kapag stressed ako, hindi ko mapigilan mag-isip ng mga problema. Ano po ang mapapayo niyo? Umaasa, James

Ang pagtulog ay isang normal na proseso ng katawan. Puwede mong turuan ang iyong sarili na makatulog ng mahimbing. Heto ang ilang tips para makatulog:

1. Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog. Matulog ng parehong oras bawat gabi. Halimbawa, tuwing alas-9 ng gabi ay nakahiga ka na para masanay ang inyong katawan.

2. Kumain ng tama. Huwag magpakabusog o magpakagutom. Mahirap matulog kung makulo ang iyong tiyan. Umiwas din sa maaanghang o spicy foods bago matulog.

3. Magkaroon ng regular na ehersisyo. Masarap ma-tulog kapag napagod ang katawan sa umaga.

4. Umiwas sa pag-inom ng kape. Pampagising kasi ang caffeine, na nakukuha sa kape.

5. Umiwas din sa pag-inom ng alak. Marami ang gumagamit ng alak para sila makatulog pero may masamang epekto po ito sa ating puso at atay. Matamlay ka at may hang-over din sa umaga.

6. Umiwas sa paninigarilyo. May nicotine ito na nagdudulot ng kanser at gumigising sa iyong isipan.

7. Huwag magtrabaho pagkalampas ng 6 ng gabi. Ihinto mo na ang iyong isipan. Hayaan mo nang mag-relax ang iyong utak.

8. Mag-relax bago matulog. Puwede kang manood ng katawa-tawang palabas sa telebisyon o magbasa ng magasin o komiks.

9. Ilayo ang mga relos. Huwag kumuha ng maiingay na relos na tumutunog kada oras. Baka ka ma-stress dahil maaalala mong hindi ka pa nakatulog.

10. Huwag mag-schedule ng maagang meeting. Kung alam mong may gagawin ka ng maaga bukas, baka hindi ka makatulog sa gabi. Normal lang po ito dahil excited ka.

11. Gawing matahimik at kom­portable ang iyong tulugan. Bawasan ang mga ingay at kaluskos sa tabi. Itali ang asong tahol ng tahol. Patulugin na si beybi. Gawing madi-lim ang silid.

12.   Bumili ng komporta-bleng kama, unan at kumot. Puwede kang magkulambo para hindi ka kagatin ng lamok.

13. Huwag itapat sa iyo ang electric fan. Masama po ito at puwede kang magka-Bell’s Palsy (ngumiwi at maparalisa ang mukha). Hayaan lang umi­kot-ikot paitaas ang hangin.

14. Uminom ng mainit na ga­tas o sopas bago matulog. Maganda rin ang saging o cookies sa gabi. Ang saging ay may tryptophan na nakakaantok.

15. At siyempre, huwag kalimutan mag-dasal. Good luck po!

ANO

BAWASAN

BUMILI

DEAR DOC WILLIE

HALIMBAWA

HAYAAN

HUWAG

MAGKAROON

PUWEDE

UMIWAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with