Ramadan
PAGPUPUGAY sa pag-obserba ng Holy Month of Ramadan!
Ito ang taos-pusong mensahe ng buong pamilya Estrada sa mga kapatid nating Muslim. Ang Ramadan ay “month of fasting and cleansing” bilang isa sa “Five Pillars of Islam” kasama ang “affirmation of belief in Allah,” pagdarasal nang limang beses sa isang araw nang nakaharap sa Mecca, “Zakat, o alms giving,” at “Hajj,” o pilgrimage sa Mecca.
Ito ay panahon ng paglilinis at pagdadalisay ng katawan, kalooban at isipan, kung saan ay pinatitibay at pinalalaganap ng mga Muslim ang espiritwalidad at kabutihan, at inihihingi rin nila ng patawad ang anumang naging kasalanan nila. Ang ganitong napakagagan- dang mga prinsipyo ng Ramadan ay pinahahalagahan siyempre nating lahat, maging ng ibang relihiyon.
Tinatayang umaabot na sa humigit-kumulang na isang bilyon ang mga Muslim sa buong mundo, at milyun-milyon sa bilang na ito ay mga Pilipino. Karamihan ng mga Pilipino-Muslim ay nasa Mindanao.
Ayon sa aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, tumitibay ang basehan ng paghahangad ng ilang kapatid na Muslim na magsarili ng pamamahala sa kanilang lipunan at kultura kapag hindi naipaaabot ng pamahalaan sa kanila ang sapat na mga hakbanging pangkaunlaran. Ito nga aniya ang malaking dahilan kung bakit umiiral pa rin ang napakatagal nang tensiyon sa Mindanao, na maraming beses na ring nagbunsod ng engkuwentro.
Panahon na upang ipursige ng pamahalaan ang tunay na kaunlaran para sa Mindanao. Ito ang susi upang matamo na rin ang matagal nang inaasam na kapayapaan sa nasabing rehiyon.
Hinahangad kong ang Ramadan ngayon ay magsisil bing panibagong yugto ng mas malalim na pagkaka-unawaan, pagtutulungan at pagkakapitbisig ng mga Muslim, Kristiyano at ng iba pang may sariling paniniwalang pangrelihiyon.
Muli, ang buong pamilya Estrada ay nakikiisa sa mga kapatid na Muslim para sa makabuluhang pag-obserba sa Ramadan.
- Latest
- Trending