^

PSN Opinyon

'Flat Scam'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -

MULA Abu Dhabi, nagawang ipahatid ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) ang kanilang reklamo.

Isang grupo umano ng mga Filipino ang lumalapit sa mga baguhang OFW upang mag-alok ng matitirahang bahay.

Nagpapanggap umano ang mga Pinoy suspek na broker ng mga condominium o Flat kung tawagin sa nabanggit na bansa.

Ang kanilang patibong, nag-aalok sila mula 30-50% na diskuwentong upa kapag sa kanila kumuha. Isa sa mga kondisyon, anim na buwang advance payment.

Ayon sa mga kababayan nating naging biktima, kahit sino ay ma-eengganyo sa alok ng grupo.

Sa sobrang mahal ng paupahang kuwarto sa Abu Dhabi, malaking tipid para sa kanilang mga OFW. Maaari pa nilang maidagdag ang pera pampadala sa kanilang pamilya sa Pilipinas.

Samakatuwid, marami sa kanila ang kumagat sa alok ng grupong ito. Lahat sila natuwa dahil sa maliit na paupa sa kanilang flats.

Subalit makalipas ang ilang buwan, dito lumabas ang problema. Ang kanilang inuupahang flat, isang buwan lamang bayad.

Ang tunay na may-ari ng paupa, sinisingil na ang mga pobreng OFW. Walang kaalam-alam ang may-ari na na-kabayad na ng anim na buwan ang kaniyang mga tenant.

Sumatotal, muling nagbayad ang mga kababayan na-ting biktima bago pa sila ireklamo ng kanilang landlord   at makulong sa nasabing bansa.

Kaya naman, panawagan ng mg OFW mula sa bansang Abu Dhabi sa lahat ng pamilya dito sa Pinas, balaan ang inyong mga kaanak na nagtatrabaho rin sa nasabing bansa.

Ipakalat ang nilalaman ng kolum na ito upang agad makaiwas ang inyong mga mahal sa buhay na maloko.

Sa info na ibinigay pa ng mga nagrereklamong biktima, ilang miyembro ng grupo ay nandito na sa Pinas. Kung sino man ang may nalalaman sa kinaroroonan ng mga ito, ipagbi­gay alam agad sa aming tanggapan.

Kung may mga iba pang biktimang nandito na sa ating bansa, lumapit agad sa BITAG nang mailabas sa telebisyon ang pagmumukha ng mga suspek.

ABU DHABI

AYON

IPAKALAT

ISA

ISANG

KANILANG

KAYA

LAHAT

OVERSEAS FILIPINO WORKERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with