^

PSN Opinyon

Nasaan na ang Freedom of Info Bill?

- Al G. Pedroche -

BAKIT di man lang nabanggit ni Pangulong Noynoy Aquino ang bill sa Freedom of Information (FOI) sa kanyang ikalawang State of the Nation Address? Iyan ang tanong ng marami lalu na yung mga kritiko ng Pangulo.

Puna rin ito ng mga mamamahayag na tulad ko na malaon nang umaasam na mapagtibay na ang panukalang batas na lubhang mahalagang sangkap ng kalayaan sa pamamahayag. Isa pa, campaign promise iyan ng Pangulo nang siya’y kumakampanya pa noong nakaraang taon.

Ayon kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr., hindi iniiwasan ni P-Noy ang maselang panukala. Nais lamang daw ng Pangulo na ang FOI bill ay bumalanse sa karapatan at kapakanan ng gobyerno hinggil sa pangangalaga sa mga sensitibong impormasyon.

“Nais ng ating Pangulo na matiyak na magtatagpo ang pagkakaloob ng impormasyon sa publiko ang karapatan ng gobyerno na pangalagaan ang confidential information o iyong mga bagay na hindi dapat payagang mabunyag,” ani Ochoa.

Ani Ochoa hindi nilalayon ng administrasyon na supilin ang karapatan ng mamamayan sa impormasyon dahil tuluyan lamang na mawawakasan ang mga katiwalian at pandarambong kung bukas sa publiko ang mga transaksiyong pinapasok ng gobyerno.

Binigyang-diin ng Executive Secretary na ang balanseng FOI bill ay hindi sagka bagkus ay sandata pa nga ng Pangulo sa kampanya nito laban sa korupsiyon sa lahat ng sangay at antas ng gobyerno.  

Kung ang mamamayan ay armado ng mga tumpak at wastong impormasyon ay magagawa nila na aktibong makisangkot sa mga usaping maaaring makaapekto sa kanila at sa bansa at sila na rin mismo ang gagawa ng mga hakbang para tugunan ang mga ito, dagdag ni Ochoa.

Hindi dapat iwasan ng Pangulo ang pagbanggit sa estado ng panuklalang batas lalu pa’t marami ang nag-aabang sa enactment nito.

Ayaw kong mangyari na marami ang maghinala sa Pangulo na ini­iwasan niya ta­ lagang mapagtibay ang batas.

vuukle comment

ANI OCHOA

AYAW

EXECUTIVE SECRETARY

EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO N

FREEDOM OF INFORMATION

OCHOA

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with