^

PSN Opinyon

Nilikha tayo ng Diyos!

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NAPAKA-GANDANG pambungad na paalaala sa atin ang Panginoon: “Bakit ginugugol ang salapi sa mga bagay na hindi nakabubusog? Bakit inuubos ang pera sa mga bagay na walang halaga?” At sa huling banghay ay sinabi Niyang makinig tayo at sundin ang Kanyang utos at matitikman natin ang masarap na pagkain. Ang Kanyang Salita ay nakabubusog. Isabuhay natin ang aral Niya na magtuturo sa atin upang kamtin ang tunay na pagkain.

“Pinakakain mong tunay kaming lahat, O Maykapal” Ang ating kabusugan sa Salita ng Diyos ay hindi makapaghihiwalay sa ating pagmamahal kay Hesukristo, ito man ay kahirapan, kapighatian, pag-uusig, gutom, kahubaran, panganib o tabak man! “Ang tao ay nabubuhay sa Salita ng Maykapal na pagkaing bigay.”

Maging ang pagpaparami ng tinapay o pagkain nang napakaraming nakinig sa aral ni Hesukristo doon sa ilang na pook ay isang napakalaking himala ng Panginoon sa paghahati ng tinapay at isda sa kabusugan ng lahat. Ang unang himala ni Hesukristo ay ang pagbubukas sa puso at isipan ng mga Hudyo upang ipamahagi ang anumang maliit na pagkain nasa kanilang lukbutan.

Sa istorya ng mga dala-dalahan ay sinimulan ng mga Hudyo sa kanilang paglalakbay pabalik sa kanilang lupang Israel mula sa Egypt na pinatagal ng Panginoon ng 40 taon hangga’t hindi lubusang nagsisisi at magbabagumbuhay. Sa kanila nagsimula ang ginagamit ngayon ng buong mundo lalung-lalo na tayong mga Pilipino. Ito ang beltbag. Sinimulan ito ng mga Hudyo milyong taon na ang nakalilipas. Ang tunay na himala ng Diyos ay hindi lamang yung dumating mula sa wala kundi ang pagbubukas ng nakapinid na pintuan ng puso at isipan nating lahat upang lumabas ang natatanging pagkain ng buhay.

Kadalasan sa ating pananalangin ay tinatanong pa natin ang Diyos. “Pangi­noon, bakit po kami’y nagugutom. Nasaan na po ba ang biyaya Mo sa amin? Nasaan po ang aming pagkain?” Tanung tayo nang tanong sa Diyos ng maraming bagay. Isapuso natin at isaisip ang tugon Niya sa atin. “Nilikha ko kayo! Kung gayon bakit nagtatanong pa tayo ngayon sa Panginoon?

Isaias 55:1-3; Salmo 144; Rom 8:35-39 at Mt 14:13-21

vuukle comment

ANG KANYANG SALITA

BAKIT

DIYOS

HESUKRISTO

HUDYO

NASAAN

NIYA

O MAYKAPAL

PANGINOON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with