Good day, Dr. Elicano. Magtatanong lang po ako tungkol sa coronary heart disease. Ang father ko po ay namatay dahil sa sakit sa puso pero hindi po namin lubos na maunawaan kung anong sakit. Sabi ng doctor ay coronary disease raw ang tumama sa aking father. Dapat daw ay operahan pero wala naman kaming sapat na pera. Hanggang sa atakehin po siya at hindi na nakarekober.
Maaari po bang ipaliwanag mo ang tungkol sa coronary heart disease. Salamat po. —Daniel Montiel, Socorro, Or. Mindoro
Ang coronary heart disease ay abnormal condition na apektado ang coronary arteries o ugat sa puso. Ang coronary arteries ang pinagdadaanan ng dugo na nagsusuplay sa puso mula sa aorta. Kapag kumitid ang arteries, magkakaroon ng pagbabara at ito ang tinatawag na coronary atherosclerosis. Dito nagkakaroon ng matinding pinsala sa puso.
Walang sintomas kung ang mga arteries ay nagiging makitid na. Ang sakit ay magpapatuloy hanggang sa ito ay maging dahilan ng anginapectoris o coronary thrombosis na nagiging sanhi ng atake sa puso. Nangangailangan ng madaliang treatment ang sakit na ito.
Ang treatment ay isasagawa sa pamamagitan ng pag-admit sa hospital ng pasyente at saka gagawin ang balloon angioplasty. Maaari ring isagawa ang coronary bypass surgery.
Maraming gamot ang maaaring i-prescribed at kabilang dito ang mga painkillers, beta-adrenergic blockers, vasodilators, anticoagulants at nitroglycerin.
Ipinapayo sa mga may sakit sa puso na ingatan ang kanilang diet. Huwag kumain ng mga pagkaing matataba at maaalat, magkaroon ng moderate exercise, iwasan ang stress at paninigarilyo . Ang mga may diabetes, mataas na blood pressure at dati nang may sakit sa puso ay malaki ang panganib na magkaroon ng sakit.