^

PSN Opinyon

Dapat harapin ang mga kaso

Panaginip Lang -

BIYERNES ng gabi nagbigay ng bulletin ang St. Luke’s Hospital at nagsasabing maganda raw ang resulta ng operasyon ni Madam Gloria. Meron din akong nakausap na doctor sa naturang hospital at sinabing totoo raw ang dinaramdam ng dating presidente. 

Nagkaroon kasi ng mga hinala ang mamamayan, kasama na ako, dahil talagang wala nang tiwala kay Madam Gloria. Buong akala ko ay nagpapalusot na naman siya dahil sa dami ng kasong kinahaharap niya, ni Sir Senyor Don Jose Miguel Arroyo, mga anak at mga kakampi. 

Ang mga hinalang ito ay patunay na talagang zero ang kredibilidad ni Madam Gloria at hanggang sa oras na ito ay halos walang paniwalaan ang sambayanan sa sinasabi o kinikilos nila. Masakit ito para sa isang dating namuno ng bayan, lalo na siya rin ang unang anak ng isang dating presidente na sumunod sa yakap ng ama. 

Sa diyaryong PM (PangMasa) kung saan mayroon din akong column, nagtanong ako kung naniniwala ba silang may sakit si Madam Gloria. Dinagsa ako ng text. Karamihan ay nagsasabing hindi dapat maniwalang totoo ang sakit niya o di kaya’y maawa sa kanya. Karamihan pa ay galit at gaba o karma na raw ang nangyayari sa kanya. 

Para sa akin, dapat maging maayos ang kalusugan ni Madam Gloria at harapin niya ang lahat ng kasong isasampa sa kanya. Dapat lamang tiyaking hindi siya biglang aalis ng bansa upang takasan ang mga kaso. Marahil ang sakit niya ay isang paraan upang matiyak na hindi siya biglang lalayas at mangingibang bansa. 

Ang pagharap sa kaso at paggawad ng parusa niya ay dapat para magsilbing aral sa lahat ng taga gobyerno. 

* * *

Para sa anumang reaksyon, suhestiyon text lang sa 09498341929 o e mail sa [email protected]

BUONG

DAPAT

DINAGSA

KARAMIHAN

MADAM GLORIA

MARAHIL

MASAKIT

SIR SENYOR DON JOSE MIGUEL ARROYO

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with