Ang ISSA sa Hong Kong
KAMI ng aking anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ay nagpupugay sa Integrated Service Staff Association (ISSA), samahan ng “Filipino Household Service Workers (HSWs) with driving duties” sa Hong Kong.
Partikular kong binabati si Mr. Donald Retirado na nagtatag ng ISSA noong panahong pinlano ng Hong Kong government na pagbawalan ang mga dayuhang HSW na magmaneho dahil sa reklamo ng mga Hong Kong local driver na nagiging kakompetensiya nila ang mga ito. Noon ay mayroong 2,923 Filipino HSW with driving duties sa Hong Kong kung saan 400 dito ay mga babae.
Ayon kay Retirado, ang HSWs with driving duties sa Hong Kong ay mas mataas ang suweldo kumpara sa ibang domestic worker na walang driver’s license at hindi nagmamaneho, at mas nagiging magaan at epektibo ang pagtatrabaho dahil nakapagdadala sila ng sasakyan. Paghahanda na rin nila ito kapag nagretiro na sila at nagdesisyong bumili ng sasakyan at magmaneho sa Pilipinas.
Sa tulong ng mga opisyal ng Philippine government at ilang Hong Kong officials mismo na nakauunawa sa kani-lang sitwasyon, ipinaglaban nila ang karapatan sa pagiging HSW with driving duties, at ito ay kanilang naipanalo.
Pangunahin umano sa mga tumulong sa kanila noon ay ang Philippine Consulate General sa pangunguna ni dating CG Zenaida Angara Collinson; dating Labor Attache to Hong Kong Atty. Dante Ardivilla; solicitor Eric Curlewis; radio host Michael Vincent; Jun “Tita Kerry” Paragas; Employers of Filipino Household Service Workers Chairman Betty Yeung at Vice Chairman Joseph Law; at Hong Kong Liberal Party Vice Chairman Selina Chow.
Ang ISSA ay patuloy ngayong tumatatag at dumarami ang miyembro, at kamakailan ay nagdaos sila ng induction of 2011 officers sa pangunguna ni bagong ISSA President Leonora Abellon. Mabuhay ang ISSA! Mabuhay ang mga OFW!
Nakikidalamhati kami sa pagyao ng ina ni Albay Governor Joey Salceda na si Mrs. Cielo Adelina Sarte Salceda.
- Latest
- Trending