^

PSN Opinyon

P12B para sa Socio-Economic Services

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BIDA ng DBM, sa madlang people ng Philippines my Philippines regarding sa Zero-Based Budgeting  approach ng gobyerno ni P. Noy nabuko para matigil na ang mga programang hindi nagbibigay ng inaasahang resulta at ang funding na dapat matipid dito ay inilipat sa mga programang may result tulad sa health at education.

Sa P12 billion natipid ang mga programs of government ni P. Noy ay pinaglaanan ang mga sumusunod na ahensiya tulad ng P2 billion sa NAPOCOR para tugunan ang fuel requirements ng Small Power Utilities Group at maiwasan ang fuel shortage sa mga off-grid islands ng Philippines my Philippines. P450 million government fuel subsidy sa public utility jeepneys at tricycles; P850 million sa suweldo ng 10,000 registered nurses na ikinalat sa mga rural communities; P4.2 billion sa pagpapatayo ng 20,000 pabahay ng militar at pulisya; P727 million  para maibiyahe ang 86 rail carriages na ibinigay ng Japan sa Philippine National Railways Corporation at sa rehabilitasyon ng PNR line mula Manila hanggang Naga City; P423 million sa pagbili ng US Hamilton class cutter, na magpapalakas sa perimeter security sa Malampaya area; P2.8 billion sa  implementasyon ng third tranche sa Salary Standardization III (SSL 3) ng government employees; P99.92 million para sa differential sa suweldo ng judges na resulta ng SSL 3; P568 million sa implementasyon ng PAMANA program para sa conflict-affected communities.

 Bahagi rin ng ZBB approach, ang unti-unting paglilipat ng Special Purpose Funds sa mga department para sa greater accountability, upang maging mas transparent ang paggastos sa  Priority Development Assistance Fund.

 Sabi nga, daan matuwid ni P. Noy para sa madlang people!

Kambiyo issue, napababa pala ni NFA Lito Banayo ng 80% ang rice import sa Philippines my Philippines                                          

  Ang Rice self-sufficiency ang central goal ng Aquino administration’s Food Staples Self-Sufficiency Roadmap (FSSR) para sa 2011-2016, bilang blueprint for food security.

Sa report ng Department of Agriculture, ang agriculture sector ay tumaas ng 4.2% sa first quarter mula sa negative growth na 1.08% noong first quarter ng 2010.

Nakapagtula este mali  nakapagtala pala  ng 4.04 million metric ton palay production mula January to March 2011, mas mataas ng 15.6% sa 3.49 million MT na naitala ng nakaraang taon. Resulta ito ng pinalawak na  palay harvested area, dinagdagang irrigation water and ser­vices, at adbokasiya ng  DA sa implementasyon ng Rapid Seed Supply Financing Project, na nagbibigay ng  high quality seeds sa qualified palay farmers.

Maibibigay na ang matagal nang hinihirit ng magsasaka na ang kanilang mga ani ang bilhin at ibenta ng National Food Authority.

Betka ni Big Mama sa ahensiya ni P. Noy

HULAAN BLUES, madlang people para gumana ang utak natin hindi ito tsimis na usapan barbero lang kundi totoo ito at nangyayari ngayon sa  ahesiya ng gobierno ni P. Noy.

May live-in partner ang isang top brass official dyan sa isang ahensiya ng government of the Republic of the Phjilippines na isang 'monaki' matagal na silang nagsasama dahil bigay ang layaw ni bombay sa kanyang lovemate na si  'Big Mama' .

Kaya lang dahil masiadong hot si 'Big Mama' sa sex nagkaroon ulit ito ng panibagong lover boy na isa sa mga bodyguard niya.

Isang Ronnie, ngayon ang kinakalantare ni Big Mama pero hindi sila magkasama sa isang bubong.

Sabi nga, itinatago muna.

May watot si Ronnie with four children.

Sabi nga, may nangyaring maganda kaya lang kapos ang kolum ng Chief Kuwago.

Abangan.

ANG RICE

BASED BUDGETING

BIG MAMA

CHIEF KUWAGO

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

MILLION

PARA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with