Post mortem ng SONA
SA tinagal-tagal ko sa propesyon ng pamamahayag, wala pang State of the Nation Address (SONA) ng sino mang Pangulo ang umani ng pulos papuri. Puro negatibong komento ang naririnig natin.
Iisang Presidente lang ang puro papuri ang tinatamo sa kanyang SONA taun-taon. Si dating Presidente Marcos na naka-dalawampung SONA dahil iyan ang itinagal niya sa puwesto bilang Pangulo. Pero what do you expect naman sa isang diktadurya? Sa nakalipas na SONA ni Presidente Noynoy, maraming tuligsa ang tinamo niya. Kesyo puro ang kapalpakan ni Gloria Arroyo ang pinatutsadahan. Pero sa akin, bigyan natin siya ng benefit of the doubt dahil para pa ring nakikipagbuno sa higanteng multo ng korapsyon ang Pangulo. Mahirap kalaban ang multo.
Iniwasan na nga niyang banggitin ang ngalan ni Gloria pero hindi naiwasang banggitin ang mga katiwalian noon gaya ng P1 bilyong halaga ng kape na pinagkagastusan ng PAGCOR sa nakalipas na siyam na taon. Okay, sabihin na nating dapat ding malaman ng taumbayan iyan dahil ito ang dahilan kung bakit mabagal ang pagsusulong ng programa ni P-Noy.
Ayon kay Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. iaangat pang lalo ng Pangulo ang pagsusulong ng ma-buting pamamahala at paglaban sa mga tiwali at mandarambong sa gobyerno. Sinabi ni Ochoa na inilatag ni P-Noy sa kanyang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ang mga kinakailangang gawin para sa pagkakaroon ng malinis na gobyerno.
Ani Ochoa, “nais ng Pangulo na mabatid natin ang tunay na kahulugan ng pagseserbisyo sa publiko.
Hinihikayat niya tayo na muling maniwala sa gobyerno,” ang dagdag ng Executive Secretary.
Inihayag ni Ochoa na naniniwala ang adminis trasyong kanyang kinabibilangan na kung magkakaroon ng malinis na gobyerno at iiral ang mabuting pamamahala ay ma kaka-mit din ang mga kinakaila-ngang reporma at pagbabago para sa bansa at mamamayan.
Binigyang-diin ng Little President na mayroong mga makabuluhang polisiya para sa pag-unlad na patuloy na nalulusutan ng mga tiwali at mandarambong.
“Magkakaroon lamang ng tunay na pagbabago kung ang mga nagpapatakbo sa gobyerno ay hindi personal na interes ang motibasyon,” aniya. Iyan naman ang inaasahan nating lahat. Bigyan pa natin ng isang taon si P-noy para makita natin at mapatunayan na magbubunga ng mabuti ang mga binhing itinanim niya ngayon.
Madali kasing bumatikos pero ang mahirap ay mag-alok ng epektibong solusyon.
- Latest
- Trending