Smuggling sa BOC, tumitindi
NGAYON morning ay masusing gigisahin ng mga kongresista ang ilang official sa Bureau of Customs tungkol sa mga nawalan diverted hundreds of container vans.
Kailangan mabigyan ng linaw ang mga kagaguhan nangyayari sa BOC para malaman ng madlang people kung sinu-sino ang nakinabang sa mga hunghang dito.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gigisahin sa kongreso sina BOC Commissioner Lito Alvarez at mga kaalyado nito sa aduana at si Batangas Collector John Tan.
Kaya sa Thursday maganda ang ibabalita natin sa madlang public kung paano, bakit nawawala ang mga container vans na dapat makarating sa port of destination galing sa port of origin kahit ito ay under guard ng mga tauhan ng bureau.
Ang pangalan ng mga kamoteng sina Kimberly, isang Valenzuela at Boy ang sinasabing facilitator ng nawawalang container.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa kanilang kagaguhan ang mga tirador sa bureau tulad nina Aye, Frankie at isang alyas Wong ang mga ito ang gumagasgas ng ilang matataas na opisyal sa gobyerno para makalusot sa pagbabayad ng tamang buwis.
Ang mga fixer/facilitator ng mga smuggler na sina Aye, Frankie at Wong ang mga ‘siga’ sa pantalan kaya marami ang nagtataka kung bakit pati ang ilang kamoteng opisyal sa bureau ay walang magawa sa tatlong kamoteng ito.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang lahat ng klase ng epektos na dumarating sa bureau ay kailangan dumaan sa kamay ng tatlong kamote dahil kung hindi ito ipaaalam sa kanila tiyak huli ang kargamento na ilalabas sa pier. Naku ha!
Totoo kaya ito?
Bida ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang hindi nakakakilala sa mga kamoteng big player sa customs tulad nina mga well known smuggler sa pier tulad nina Sammy, ang shipments ay resins at mga pekeng branded shoes sapatos ,si James at isang alyas Ngo, mga general merchandise ang shipment, Big Mama, kilabot ng mga ukay-ukay, George at isang alyas Khoa, smuggler ng mga sapatos at nasa may North Bay Blvd. ang warehouse.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan tiktikan ng husto ng customs ang parating na chinese fireworks para gamitin sa New Year dahil nakahanda na ang mga parating na imported Chinese fireworks ng grupo nina Vicente at isang alyas Tseng, dahil ipapasok na ito sa susunod na buwan.
Isa pang matindi ay itong grupo nina King at Jeffrey dahil naghahanda na rin sila para mai-salya ang kanilang mga assorted electronics equipment mula sa China.
Ang grupo nina King at Jeffrey, ay naka-bodega sa isang lugar sa 4th Avenue Caloocan City, may front silang restaurant sa Ongpin.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Quiapo ang bagsakan ng mga shipment ng grupo nina Jeffrey at King.
Abangan.
Jueteng bukas sa Pangasinan at Rizal
NAGTATALUNAN sa lundag ang grupo ni Boy bata at isang Lito ‘milyoras’ dahil isang linggo na ang operasyon ng jueteng sa mga bayan ng Pangasinan.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may basbas ang dayaan bolahan nina Boy bata at Lito ‘milyoras’ sa mga kamoteng miembro ng PNP dyan sa Pangasinan.
Sabi nga, million ang nakuhang goodwill!
Sa province of Rizal, may apat na araw na ang jueteng operation doon kaya naman lumalaki na ang kubransa sa nasabing probinsiya.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago’.
Abangan.
- Latest
- Trending