Bagong tahanan ng Bitag
MARAMI ang nagtatanong kung bakit hindi na napapanood ang BITAG sa oras nitong alas-9 hanggang alas 10 ng gabi, tuwing Sabado sa IBC 13.
Dahil sa ilang pagbabagong naganap nitong nakalipas na buwan ng Mayo, nausog lamang sa 11:30 ng gabi napapanood ang BITAG.
May nagsasabing kaya wala raw ang BITAG sa ere ay dahil sa lilipat na ito ng ibang channel kung saan nandoon ang aking mga kapatid.
Taliwas sa paniniwalang ito, abangan ang BITAG sa bago nitong tahanan kung saan kasalukuyang napapanood ang BITAG Live tuwing umaga.
Ang bago naming tahanan, ang nag-iisang public service channel sa larangan ng telebisyon, ang UNTV 37.
Ngayong darating na Sabado, primetime, alas 9:00 hanggang alas 10:00 ng gabi, mapapanood na ang mga bagong storyang may kinalaman sa krimen, pang-aabuso, panloloko at mga imbestigasyon ng BITAG.
* * *
BINATO kami ng mga katanungan mula sa mga manonood ng BITAG kung bakit hindi namin kinuwelyuhan o binitag man lang ang mga mandurukot sa Pasay.
Simple lamang, ang nais iparating ng BITAG sa lahat na hindi ito ang paraang tutuldok sa mga dorobo na makapangbiktima sa lugar.
Kahinaan ng sistema ang dahilan at alam ito ng mga pusakal na namamayagpag sa Rotonda, Pasay.
Napakadali lamang nilang hulihin at BITAGin, subalit napakadali rin nil,ang makalabas at bumalik sa dating gawain.
Nakakalungkot isipin na mas maraming biktima ang piniling manahimik at ‘wag ng magsumbong sa takot na hindi na muling makadaan sa lugar.
Pagdating sa pulisya, kahit na dumating ang mga nagrereklamo, madali lamang makakalabas ang mga suspek dahil may mga handler na nagpipiyansa sa mga ito.
Maliliit na tao lamang ang inyong nakita sa aming surveillance video na aktuwal na nandurukot. May mas malalaking grupo pa na humahawak sa kanila.
Ayon nga sa isang miyembro ng mga mandurukot na kumanta sa BITAG, meron silang ibinibigay na butaw sa barangay at sa ilang pulis na nakakasakop sa lugar.
Kaya naman hindi na kami nagtaka na haya-gan ang pandurukot kahit pa matindi ang sikat ng araw.
Hindi na rin nagulat ang BITAG na hindi kakikitaan ng takot ang mga mandurukot na ito na makakita ng mga oto-ridad sa paligid.
Ang iba pang natuklasan ng BITAG sa likod ng pamamayagpag ng mga garapal na mandurukot sa Pasay ngayong Sabado, sa bago nitong tahanan sa UNTV 37, alas 9 ng gabi.
- Latest
- Trending