Karunungang walang kapantay
HINILING ni Haring Solomon sa Panginoon na bigyan siya ng isang pusong maawain at marunong kumilala ng masama at magaling. Ikinalugod ng Panginoon ang kanyang kahilingan na karunungang walang kapantay. Ito ang pagkaunawa at katalinuhang paghatol bilang hari.
Sa mula’t mula pa ay alam ng Diyos kung sino ang sa Kanya at sila’y itinalaga na maging tulad ng Kanyang Anak. Sa pahayag ni Pablo sa mga taga Roma ay itinalaga tayo at tinawag ng Panginoon, pinawalang-sala at binigyan ng karangalan.
Sa ebanghelyo ayon kay Mateo ay ipinahayag ni Hesus ang talinhaga sa paghahari ng Diyos. Ang una ay natutulad sa kayamanang nakabaon sa isang bukid. Nahukay ito ng isang tao at tinabunan. Ipinagbili ang lahat ng kanyang ari-arian at binili ang bukid. Ang ikalawa ay natutulad sa perlas na napaka-halaga. Ipinagbili ang lahat ng ari-arian at binili iyon. Ang ika-tatlung talinhaga ay natutulad sa isang mala-king lambat; nakahuli ito ng sari-saring isda; hinila ng mga mangingisda sa pampang; tinipon ang mabubuting isda at itinapon ang mga walang kuwentang isda.
Sa kabuuan ay ipinahayag ng Panginoon na sa katapusan ng daigdig ay darating ang mga anghel. Ihihiwalay nila ang mga makasalanan sa mga banal at ihahagis ang mga makasalanan sa maningas na pugon. Ang parabola sa kaharian sa langit ay ang nakabaong kayamanan, ang perlas at ang lambat. Ang nakabaong kayamanan ay ang natatagong katalinuhan at kabanalan ng bawa’t isa sa atin. Hanapin natin ito at pagyamanin sa ating puso at isipan para sa ikabubuti natin.
Ang ikalawa ay naaayon sa halaga ng buhay. Ingatan natin ito lalung-lalo na ang ating karununagn at talinong kaloob ng Diyos. Huwag natin itong sirain ng mga masamang bisyo lalung-lalo na ang mga ipinagbabawal na gamot. Learn to pay the price. At ikatatlo, matuto tayong pumili ng kabutihan at iwaksi ang mga kasamaan.
Ipanalangin natin tuwina ang mga kabataan ngayon. Ihingi natin sa Espiritu Santo ang kaliwanagan ng kanilang isipan sa kanilang araw-araw na pagpasok sa paaralan. Humingi tayo sa ating Ama sa langit na ipagkaloob tuwina sa mga kabataan ang ka runungan na walang kapantay alang-alang kay Hesukristo na ating Pa-nginoon.
1Hari 3:5, 7-12; Salmo 118; Rom 8:28 at Mt 13:44-52
- Latest
- Trending