^

PSN Opinyon

Sina Ayeng, Acuzar, Frank at Wong sa BOC

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  up to now ay ginagamit pa rin  ang pangalan ni Executive Secretary Jojo Ochoa na siya ring bagong anti-crime czar sa Philippines my Philippines ng isang alyas Aying, Acuzar, Frank at Wong.

 Ang mga fixer/ facilitator ng mga smuggler na  sina Aying, Acuzar, Frank at Wong ang mga ‘siga o maton’ sa pier  dahil pati ang Office of the Commissioner ay walang magawa sa mga talipandas na ito.

Bakit?

Name droppers ang mga kamote!

Ang lahat ng mga illegal shipment na dumarating sa Bureua of Customs ngayon ay kailangan itembre kina Aying Acuzar, Frank at Wong para makalabas ito ng maayos na hindi mahuhuli kahit na ‘misdeclared’ pa ang kargamento.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang mga well known smuggler sa pier na hindi masaling-saling dahil sa tiembre ay sina  alyas Sammy, ang shipments ay resins at mga pekeng branded shoes sapatos, si James  at isang alyas Ngo, mga general merchandise ang shipment, Big Mama, kilabot ng mga ukay-ukay, George at isang alyas Khoa, smuggler ng mga sapatos at nasa may North Bay Blvd. ang warehouse.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakahanda na ang mga parating na imported Chinese fireworks ng grupo nina Vicente at isang alyas Tseng, dahil ipapasok na ito sa susunod na buwan para  hindi na masiadong uminit ang kanilang shipment  pagpasok ng  at maidispatcha na nila ito bago pumasok ang ‘christmas season’.

Isa pang matindi ay itong grupo nina King at Jeffrey dahil naghahanda na rin sila para mai-salya ang kanilang mga  assorted electronics equipment mula sa China.

Ang grupo nina King at Jeffrey, ay naka-bodega sa isang lugar sa 4th Avenue Caloocan City, may  front silang restaurant sa Ongpin. 

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Quiapo ang bagsakan ng mga shipment ng grupo nina Jeffrey at King.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pakalat-kalat pa rin sa Port of Manila ang mga kasangga ni William kahit na pinaghahanap ito ng grupo ni Boc Commissioner Lito Alvarez dahil sa utang na P15 million tungkol sa raket nila sa mga bonded warehouse.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  madaling malaman kung saan makikita sina William, dahil sa may Binondo terrace lamang umuuwi, si Cesar ay sa Apo St., sa Quezon City; si George sa North Bay, Tondo, Manila; Michael, sa San Rafael Village, Balut, Tondo; at si Melvin runner ay nakatira dyan sa Retiro, Quezon City.

Abangan.

ACUZAR

APO ST.

AVENUE CALOOCAN CITY

AYING ACUZAR

AYON

BIG MAMA

JEFFREY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with