Ibayong pag-iingat sa dengue
NAPAG-USAPAN namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada ang pagtaas ng bilang ng mga nabibiktima ng dengue. Ayon sa Department of Health (DOH), ang pinakamatinding pananalasa ng dengue fever ay tuwing Agosto, Setyembre at Oktubre.
Una rito ay idinaos sa Indonesia ang kauna-unahang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Dengue Day kung saan ay nagkaisa ang 10 bansang kasapi ng naturang regional grouping na itakda ang Hunyo 15 taun-taon bilang Dengue Awareness and Action Day para sa maagang paghahanda sa pagpasok ng tinaguriang “dengue months.” Sa pagtitipon, pang-apat ang Pilipinas sa mga bansang pinakamaraming tinatamaan ng dengue.
Base sa datos, sa period pa lang ng Enero 1 hanggang Hunyo ngayong taon ay umabot na agad sa mahigit 27,071 dengue cases ang naitala sa ating bansa kung saan ay 172 ang namatay. Iniulat naman ng World Health Organization (WHO) na mahigit 50 milyong katao sa buong daigdig ang tinatamaan ng dengue fever taun-taon. Dahil dito, iginiit ng WHO na kailangang isagawa ng buong mundo ang paglaban sa dengue.
* * *
Natutuwa at nagpapasalamat ang buong pamilya Estrada sa mga bumabati at pumupuri kay Senator Jinggoy matapos lumabas ang ulat na nanguna siya sa pagiging perfect in attendance sa Senado, kung saan ay lagi pa siyang on time sa pagdalo at aktibong paglahok sa mga gawain ng mataas na kapulungan.
Belated Happy Birthday greetings kay Gerry Baja ng programang Dos por Dos sa DZMM radio kasama si Anthony Taberna. Ang naturang programa at mga anchor ay sinusubaybayan ng maraming kababayan kabilang na ako.
- Latest
- Trending