'Si idol at ang fan'

(Unang Bahagi)

PAMBATO siya ng eskwelahan sa mga ‘beauty pageant’. Maganda, may taas na 5’5”, maganda ang hubog ng katawan at makinis ang kanyang morenang kutis.

Kilabot ng mga ‘high school students’ naman ang lalake. Dalawampu’t anim na taong gulang umano. Magaling sumayaw maporma at may talento sa pag-arte. 

Ang babae ay si “Pamela” (di tunay na pangalan) isa siyang taga hanga (fan) at ang idol niya ay si Rolando “Jolly” Agabao Diaz.

Si Pamela ay Fourth Year High School Student ng isang unibersidad sa Commonwealth, Quezon City.

Nagsadya sa amin ang ina ni Pamela na si Sheila Manalo, Nirereklamo niya si Jolly. Ang umano’y nanamantala sa anak.

Si Jolly ay sikat na ‘actor’ sa mga ‘theater acts’ na pinapanood ng iba’t ibang ‘Universities’. Lead actor o leading man ang madalas gampanan ni Jolly kaya’t ganun na lang kung tilian siya ng mga kabataang babae. Idagdag pa ang pagiging ‘dance group member’ nito sa ‘DKY Crew’.  

“Sinong hindi magkakagusto sa kanya… eh palaging siya ang bida!” ayon kay Pamela.

Second Year High School pa lamang si Pamela masugid na niyang pinanonood si Jolly sa entablado. Isa sa mga ‘activities’ nila sa school ay ang manood ng mga isinasadulang plays nila Jolly tulad ng Romeo and Juliet at Frog Prince.

Taong 2010 naglakas loob si Pamela na i-add si Jolly sa Facebook. Inaccept naman siya ni Jolly. Nagpalitan sila ng ‘cell phone numbers’ at hindi nagtagal nagulat na lang ang katorse anyos ng makatanggap siya ng ‘text message’ mula sa kanyang idol.

Nung una ‘schedule’ ng ‘gigs’ at pag-ayang manuod ng mga plays ang mga text ni Jolly. Hindi nagtagal iba na ang nilalaman nito.

“Pwede ba kitang ligawan?” tanong umano ni Jolly sa text. Sunud-sunod na ang naging palitan nila ng text.

Tinanong ni Pamela kung siya’y may girl friend. “Kabi-break lang namin!” sagot ni Jolly. “Wala ka bang ibang commitment? tanong ni Pamela. “Wala pero alam mo Pamela ako ay isang binatang ama,” pagtatapat ni Jolly.

Sa halip na ma-‘turn off’ si Pamela mas lalo siyang napalapit kay Jolly dahil nagpakatotoo umano ito at umamin na siya’y isa ng ama.

September 2010 ng tanungin siya ni Jolly, “Ano ba tayo na ba?” Sumagot naman si Pamela na “Sige tayo na!”

Pinuntahan ni Pamela si Jolly sa show nito sa SM North, Cinema 6.

Nung mga unang araw ng kanilang relasyon nagkailangan ang dalawa.

“Iniiwasan ko siya. Hindi kasi ako sanay. Siya ang una kong boyfriend,” kwento ni Pamela.

Makalipas ang ilang buwan nagkalabuan na si Jolly at Pamela. Madalang na silang mag-text. ‘Busy’ kasi sa mga shows si Jolly. Si Pamela abala naman sa kanyang pag-aaral.

Ika-3 ng Enero 2011, muling tinext ni Pamela si Jolly. “Musta na? Nagreply si Jolly at sinabi umanong, “Asan ka? Puntahan kita sa inyo.”

“Kaya mo? Puro ka lang salita… Hindi mo naman ginagawa!” paghahamon ni Pamela.

Pumunta si Jolly sa bahay nila Pamela sa Commonwealth. Dito niya nakikilala ang ama ni Pamela na si Ray Man Manalo.

Pati ang nanay ni Pamela kinilig ng makita si Jolly. Mas lalo siyang nabilib na magaling pala itong makibagay sa kanila.

Matamis mangusap itong si idol kaya’t ng binitiwan niya ang mga katagang, “Pamela mas sexy pa pala sa’yo ang mama mo!”, mabilis na binaba ng ina ni Pamela ang kanyang depensa at napakiling sa binata at sinabing, “Hindi naman… Ikaw naman oh!”.

Naging sila na naman. ‘Valentine’s day’… niyaya ni Jolly si Pamela na magkita sila.

Nagkita sila sa KFC ni Jolly. Inaya siya nitong pumunta sa Diliman Apartelle. Tinanong niya si Jolly kung anung gagawin nila dun. Sagot naman ng lalake, “Samahan mo lang ako uminom.”

Bumukas ang pinto ng isang kwarto sa apartelle. Tiningnan ni Pamela ang paligid. May telebisyon, may kama at may sari­ling banyo. 

Bitbit ang alak (Bacardi) at dalawang C2 Lemon Tea pumasok sila sa kwarto. Sandaling natigilan ang dalaga. Tinitigan siya ni Jolly at sinabing, “Oh baka naman ngayon pa mag-iba isip mo ah?”

Umupo si Pamela sa isang sulok sa ibabaw ng kama. Binuksan ni Jolly ang alak at pati na rin C2. Inalok niya si Pamela. “Ayoko bata pa ko!” sabi ni Pamela. 

Pinilit umano siyang inumin ang alak na nasa baso.

“Ininom ko yun. Gumuguhit sa lalamunan ko parang nakakasunog. Muntik na ko masuka. Pagkatapos nun nahilo na ko!” pahayag ni Pamela.

Nang makita umano ni Jolly na siya’y tinamaan na ng alak. Dahan-dahan siyang inihiga sa kama. “ ‘Wag bata pa ako! Ayoko!” pagtanggi ni Pamela.

Ayon kay Pamela inumpisan siyang halikan sa labi nitong si Jolly para matigil ang kanyang mga pagtanggi.

Paulit-ulit siyang hinalikan habang dahan-dahang binuksan ang kanyang damit at hinilang pababa ang kanyang pantalon. Nang ibaba ang kanyang ‘panty’ mabilis na hinawakan ni Pamela at pinigilan ang kamay ni Jolly.

Sa puntong ito hindi na magpapaawat itong si Idol dahil abot na niya ang murang katawan nitong katorse anyos niyang tagahanga.

ABANGAN ang karugtong ng seryeng ito sa LUNES. EKSKLUSIBO dito lang sa CALVENTO FILES sa PSNGAYON.

(KINALAP NILA MONIQUE CRISTOBAL AT AICEL BONCAY)

Sa gustong dumu­log ang aming nume­ro ay 09213263166 o 09198972854. Ang landline, 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Boulevard., Pasig Citymula Lunes-Sabado.

* * *

Email address: tocal13@yahoo.com

Show comments