^

PSN Opinyon

Paano lalabanan ang inis at lungkot?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

LAHAT ng tao ay may pagkakataong naiinis o nalulungkot sa buhay. Ganyan ang buhay. Minsan ika’y nasa itaas, minsan nasa ibaba.

Bilang doktor, alam ko na kapag may kaaway, mara-ming galit, inis at hindi pagkakaintindihan ang nangyayari.

Heto ang payo ni Dr. Norman Vincent Peale, ang sumulat ng maraming libro ukol sa positive thinking.

1. Pag-aralan mo ang sitwasyon maigi. May nagawa ka bang pagkakamali? Kung mayroon ay magpakumbaba ka at aminin ang iyong kasalanan. Sabihin ang totoo para mawala ang bigat sa iyong dibdib.

2. Pag-isipan ng mahinahon at walang halong galit ang mga paratang na binabato sa iyo. Tunay ba ito o hindi? Kung hindi naman tunay ay kalimutan mo na iyan. Huwag mo nang pansinin.

3. Sino ang nagsasalita laban sa iyo? Importante ba ang opinyon nitong tao? May galit ba siya sa iyo o gusto lang niya makatulong? Pakinggan mo lang ang mga payo ng mga nagmamalasakit sa iyo.

4. Irespeto ang mga taong nakasakit sa iyo. Patawarin mo sila at maging mabait ka pa rin. Sa ganitong paraan, hindi na lalaki ang away.

5. Humingi ng payo sa pamilya at mga matalik mong kaibigan. Pagkatapos ay timbangin mo kung tama ang kanilang payo sa iyo.

6. Huwag na huwag daanin sa init ng ulo. Pilitin gamitin ang tamang pag-iisip para maabot ang tamang desisyon. Kung galit ka pa, maghintay muna ng isang araw bago isipin muli ang isyu.

7. Tanungin ang sarili, “Masaya ba ako sa aking pagkalungkot o pagkainis?” May taong mahilig mag-self pity, kung saan kinaaawaan nila ang sarili. Hindi ito maganda. Iwaksi ito sa isipan.

8. Magpatawad at magpatawad. Kung may taong nakasakit sa iyo, ipasa-Diyos mo na lang. Hayaan mo na lang na iba ang makaaway niya. Huwag mo na lang pansinin.

9. Ipagdasal ang mga nakasakit sa iyo. Hindi na­ngangahulugang kailangan mo silang mahalin. Irespe­to mo lang. Gawin mo pa rin ang proyekto mo, at hayaan mong gawin niya ang trabaho niya.

10. Ipasa mo ang iyong problema sa Diyos. Tutu­lungan ka ng Diyos na pa­ sanin ang mga dina-damdam mo. Maya-maya, hindi mo namalayan ay gu­magaan na ang iyong pakiramdam. Magiging masa­ya at matagumpay ka na muli! Good luck po.

BILANG

DIYOS

DR. NORMAN VINCENT PEALE

GANYAN

HUWAG

IYO

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with