^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tumataas ang krimen na hatid ng riding-in-tandem

-

PATAAS nang pataas ang krimen sa Metro Manila at karamihan sa mga ito ay hatid ng mga kalalakihang magkaangkas sa motorsiklo o ang mga riding-in-tandem. Mula nang pumatok ang paggamit ng motorsiklo bilang sasakyan ng masa, dumami na rin ang insidente ng pananambang. At nagaganap pa ang krimen kahit sa karamihan ng tao at motorista. Nakaaalarma na wala nang lugar na ligtas sa panahong ito at kahit saan maaaring maganap ang pagpatay.

Inuupahan para pumatay ang mga riding-in-tandem. Madali lang silang makadikit sa target at saka papuputukan ito. Minuto lang at tapos ang kanilang pakay. Madali rin silang makatakas. Nakalulusot nang pasikut-sikot sa trapik.

Ang masaklap pa, karaniwang nagiging biktima ng riding-in-tandem ay mga alagad ng batas din. Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang pagsalakay ng riding-in-tandem. At hindi lamang sa Metro Manila sumasalakay ang riding-in-tandem kundi maging sa probinsiya man.

Noong isang araw, isang police officer ang tinambangan ng anim na kalalakihang nakamotorsiklo sa Batangas. Agad na namatay si Supt. Rodney Ramirez ng Batangas Police Provincial Office dahil sa mga tama ng bala. Hanggang sa kasalukuyan wala pang nahuhuli sa mga suspek. Marami na umanong pagbabanta sa buhay na natanggap si Ramirez. Umano’y sindikato ng droga ang pumatay sa kanya.

Hindi lang mga alagad ng batas ang nabibiktima ng riding-in-tandem. Marami ring negosyante ang tinatambangan at pinagnanakawan. Kamakailan, isang negosyanteng Tsinoy ang tinambangan sa Commonwealth Ave. ng mga kalalakihang nakamotorsiklo. Nakalabas pa ng kotse ang Tsinoy pero sinundan at pinagbabaril pa. Isang araw ang nakalipas, isa namang Koreano ang tinambangan din sa may New Manila, QC. Patay ang Koreano. Naganap ang pangyayari kahit maraming tao sa paligid.

Nakababahala na ang pagsalakay ng riding-in-tandem at wala nang takot sa mga pulis. Isang dahilan ay sapagkat nalalaman nilang bihira ang mga pulis na nagpapatrulya at walang makare-responde. Nararapat maglatag ng bitag ang mga pulis para malambat ang riding-in-tandem. Maglagay ng checkpoint. Madalas na ningas-kugon ang kampanya ng PNP laban sa riding-in-tandem kaya nakalulusot ang mga ito.

vuukle comment

BATANGAS POLICE PROVINCIAL OFFICE

COMMONWEALTH AVE

ISANG

KOREANO

MADALI

MARAMI

METRO MANILA

RIDING

TANDEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with