GRABE ang ginawang paninira ng isang trusted lady 'we bulong' brigade ni P. Noy ng ilaglag nito si DOJ Usec Leah Armamento para sa inaambisyon nitong position ang Chief Ombudsman.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa pagpili pa lang daw ng Judicial Bar Council para sa short list ay binakbakan na ng lady 'we bulong' brigade ang ilan sa mga kasamahan nito na huwag iboto si Armamento dahil daw may tawag ang malakanin este mali Malacañang pala.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ang akala ng lady 'we bulong' brigade ay hindi malalaman ni Armamento ang kanyang ginawa pagsisikap na itulak ang isa niyang kandidata sa pagka-Ombudsman.
Lingid sa kaalaman ng lady 'we bulong' brigade alam ni Armamento ang ginawa mo sa JBC dahil marami siyang kaibigan na nagmamahal sa kanya at naninwala sa integridad nito at kakayahan.
Hindi napigilan ni lady 'we bulong' brigade ang JBC na huwag iboto ang kanyang inilalaglag bagkus nakakuha pa rin si Armamento ng 5 votes at kung hindi nga lang tinira baka ito pa ang nakakuha ng mataas na boto.
Just ask JBC members kung sino ang nag-top sa IQ at kung ano pang pagsasanay na ginawa sa mga candidates?
Answer - si Armamento ang topnotcher!
Wala kasing 'POLITICAL BACKER' si Armamento ang pinanghahawakan lamang nito ay ang kanyang credentials at ang katapatan sa tungkulin, integridad, kredibilidad kahit saan siya mapuntang ahensiya ng gobyerno ay minahal siya ng madlang employees dahil wala itong bahid sa corruption.
Sabi nga, imbestigahan kung mayroon!
Si Leah nga pala para sa kaalaman ng madlang people ay registered nurse bago kumuha ng pagka-abogasya sa Ateneo Law School.
Kaya naman - MOTHERLY Yours, ang dating!
Nang masama ang pangalan ni Armamento sa short list ng JBC ipinadala ito sa Malacañang for final approval ni P. Noy para piliin kung sino sa kanilang apat ang hihirangin para sa trono bilang Chief Ombudsman.
Sila Usec Leah Armamento, retired Associate Justice Chonchita Carpio Morales, retired Justice Artemio Tuquero at si Atty. Gerald Mosquera ng Malacañang, ito ang mga candidates para pagpilian ni P. Noy.
Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sinabihan ni trusted lady 'we bulong' brigade daw si P. Noy na kung si GMA ay may First Gentelman at si Armamento ay may husband.
Sabi nga, pinalalabas na 'corrupt' si Atty. Boy Armamento.
Hindi matanggap ng mag-asawa ang ginawang paninira sa kanila lalo na kung totoong nakarating ito kay P. Noy paano na lamang ang future promotion ni Leah kung sakali habang pangulo ni P. Noy tiyak hindi ito mabubura sa utak ng huli.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sa isang resolusyon na nilagdaan ng mga opisyal ng Prosecutor's Leaque of the Philippines, sinabi nilang ang Ombudsman ay ang sentro ng adbokasiya para lutasin ang korupsiyon sa Philippines my Philippines.
Pirmado ng kanilang mga opisyal, sinabi sa resolusyon na bilang mga empleyado ng gobyerno, crime fighters at mamamayan ng Philippines my Philippines, ang mga member ng PLP ay sama-samang naghahangad na isang tamang tao para iluklok sa Ombudsman batay sa kanyang rekord, pagganap sa tungkulin at batay sa kwalipikasyon at merito.
Naniniwala rin ang Liga na ang susunod na Ombudsman ay dapat na tapat, malaya, hindi kayang buyuhin, malakas ang pangangatawan at may sapat na tapang para disiplinahin ang mga nag-aaway na opisyal at indibidual.
Sabi sa resolution ng PLP, ang mga katangiang ito ay nakikita nila kay Armamento, na ilan taon na nilang kakilala, nagsilbing trial lawyer sa Office of Solicitor General mula 1986 hanggang 1991, state prosecutor mula 1991 hanggang 2003, Assistant Chief State Prosecutor mula 2003 hanggang 2010 at bilang undersecretary ng Department of Justice mula 2010 hanggang kasalukuyan. Nagsilbi rin siyang tesorera ng NLLP mula 2000 hanggang 2005.
Nagtapos si Armamento sa Ateneo Law School at nakakuha ng Fellow Certificate mula sa John F. Kennedy School of Government sa prestihiyosong Harvard University.
Natitiyak ng PLP na kapag naitalagang Ombudsman, si Armamento ay gaganap sa itinalagang tungkulin nang tumpak at epektibo gaya ng kanyang ginawa sa mga nakaraang posisyon na kinatalagahan.